Paano ko ina-navigate at i-promote ang My Works?

Ang bagong My Works ay nandito na! Tingnan ito sa ibaba. Ang mga improved features:

  • Madaling ayusin ang mga parte ng storya (kabanata) sa pamamagitan ng pag-drag at pag-drop
  • Madaling magdagdag ng pabalat (cover), deskripsyon ng storya, at mga tag
  • Madaling markahan ang iyong storya bilang patuloy (ongoing) o nakumpleto (completed) at baguhin ang kategorya
  • Masmagandang organisasyon at discoverability ng iyong storya gamit ang mga tag at isang solong kategorya

 

Nakagawa rin kami ng isa pang pagbabago upang makatulong na i-highlight ang higit pang mga mahuhusay na mga storya sa Wattpad. Ang mga storya na dating naikategorya sa dalawang kategorya (example: "Romansa" + "Fantasy") ay inilipat na ngayon sa isang pangunahing kategorya (example: "Romansa" na lamang). Sa karamihan ng mga kaso, ang iyong unang kategorya ay ang iyong pangunahing kategorya ngayon. Huwag mag-atubiling baguhin ang iyong pangunahing kategorya, ngunit mangyaring sumangguni sa aming Content Guidelines kung ikaw ay nalilito kung ano ang tamang kategorya para sa iyo.

 

 

Frequently Asked Questions

 

 

Tulong! Hindi na mahahanap ng mga tao ang aking mga storya.

 

Ang pagkakaroon ng isang kategorya ay makakatulong sa pagpansin ng iyong mga storya. Dahil sa pagbabagong ito, ang What’s Hot lists ay magiging higit pang nakaayos at any dating mga storyan nakatago o hindi nababasa ay ngayon ng may pagkakataong maging parte ng listahan. Ngayon ang iyong pagkakataon upang ilagay ang iyong storya sa harap ng mga mata ng milyun-milyong mambabasa.

 

Bilang karagdagan, maaari mong i-promote ang iyong mga storya sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga #tags (mga keyword). Sa ganitong paraan, matutuklasan ng mga mambabasa ang iyong storya kapag sila ay naghanap ng partikular na mga keyword. Pagsamahin ang mga tag sa halip na tag-iisa - halimbawa, subukan ang #harrypotter imbis na #harry #potter.

 

Narito ang iba pang mga tips upang matulungan ang mga mambabasa na mahanap ang iyong mga storya:

  • Ang iyong Cover ay mahalaga at ay isa sa mga unang impresyon ng iyong storya. Tandaan na maraming mambabasa ay nagba-browse sa pamamagitan ng mga mobile device na kaya gamitin ang malaki at nababasa na font sa iyong design. Mag-upload o gumawa ng cover ng ​​paggamit ng aming Cover Creator app!
  • Magdagdag ng isang larawan o YouTube video bawat kabanata, at magdagdag ng cast kung kinakailangan.

 

 

Gusto kong makakuha ng higit pang mga mambabasa at reads. Kapag sumulat ako, paano ko ma-iimprove ang aking storya?

 

Narito ang ilang mga tip mula sa aming mga successful na manunulat:

  • Tandaang magdagdag ng story description. Ito ang unang entry ng iyong mga mambabasa sa iyong storya.
  • Panatilihing maikli ang mga kabanata/chapter (2000 na salita). Tandaan na karamihan ng mga Wattpadders ay nagbabasa gamit ang kanilang mga mobile device.
  • Serialize - mag-post ng 1-3 bagong kabanata/chapter sa isang linggo. Mas maganda pa, panatilihin ang isang regular na iskedyul ng pag-post.
  • Isama ang isang ‘call to action’ - makipagusap sa iyong mga mambabasa sa teksto ng iyong storya. Paalalahanan sila upang bumoto at magkomento sa bawat kabanata/chapter, o mag-iwan ng mga katanungan upang magsimula ng talakayan sa mga komento.
  • Puwede ka ring magtapos gamit ang isang cliffhanger - panatilihin ang iyong mga mambabasa sa paghula at suspensiya.

 

 

Ano ang ilang mga social na bagay na maaari kong gawin upang bumuo ng aking tagasunod-base?

 

Ito ay mga tip mula sa aming napapanahong mga successful na manunulat:

Was this article helpful?
4 out of 7 found this helpful

Comments

Article is closed for comments.