Bago magsumite ng report, mangyaring pakatandaan:
Ang pinoprotektahan lamang ng copyright ay ang pisikal na representasyon ng isang ideya, at hindi ang mismong ideya. Sa kasamaang palad, ang mga parehong plot o tema ng kuwento ay maaaring hindi nangangahulugan na ito ay paglabag ng copyright. Kung hindi ka sigurado kung ang isang akda ay lumabag ng iyong copyright, hinihikayat ka namin na humingi ng propesyonal/legal na payo bago magsumite ng abiso.
Itinataguyod nito ang katibayan ng paglikha na kinakailangan para sa kahit anumang isyu sa copyright na maaaring lumutang. Kung mayroong pagtatalo tungkol sa orihinal na pinanggalingan ng akda, ang registered date ng digital na akda sa Wattpad ay nakapagbibigay suporta sa iyong pag-angkin.
Kung ayaw mong ibigay ang kinakailangang impormasyon, inirerekomenda namin ang pagmemensahe sa user at subukang lutasin ang isyu nang personal.
MAHALAGA: Maaaring may mga legal at pinansyal na kahihinatnan ang pagpasa ng mga hindi totoong pag-angkin. Bago magpasa ng DMCA Take-down Notice, siguraduhin na ikaw ang may hawak ng aktwal na karapatan sa content at may legal na awtoridad para kumilos para sa opisyal na may-ari, o ay awtorisado sa ilalim ng kahit anong eksklusibong karapatan sa ilalim ng copyright.
Kung naniniwala ka na nalabag ang iyong copyright, mangyaring agarang i-report ito sa amin sa pamamagitan ng pagsumite ng DMCA take-down Notice. Mabilis mo itong magagawa sa pamamagitan ng pagsagot ng aming online form sa http://www.wattpad.com/help/DMCA at pagbibigay ng lahat ng kinakailangan na mga impormasyon.
Kung hindi mo nais gamitin ang aming form, mangyaring ibigay ang mga sumusnod na impormasyon sa aming Designated Copyright Agent:
- Ang iyong buong legal na pangalan
-
Ang address sa iyong tahanan o mailing address
- Halimbawa: Ang 123 Main St. ay isang addres
- Bansa:
- Lungsod:
- Estado/Lalawigan:
- Postal code:
- Ang iyong numero sa telepono
- Kung maaari, ang iyong email address
- Kung ang iyong orihinal na akda ay nasa Wattpad, ang iyong Wattpad username
- URL tungo sa iyong orihinal na akda
- Deskripsiyon ng diumano’y paglabag (Saan ito mahahanap, ano ang kinopya, atbp.).
- URLS(s) ng mga diumano’y lumabag na materyal sa Wattpad
-
Ang parehong sumusunod na mga pahayag:
- Isinasaad ko rito na mayroon akong magandang loob na paniniwala na ang pinagtatalunang paggamit ng naka-copyright na materyal o sanggunian o link sa naturang materyal ay hindi pinahihintulutan ng may-ari ng copyright, ahente nito, o ng batas (hal., bilang patas na paggamit).
- Isinasaad ko rito na ang impormasyon sa Paunawang ito ay tumpak at, sa ilalim ng parusa ng pagsisinungaling, na ako ang may-ari, o awtorisadong kumilos sa ngalan ng may-ari, ng copyright o ng isang eksklusibong karapatan sa ilalim ng copyright na di umano'y nilabag.
- Ang iyong electronic o pisikal na lagda.
Ang notice na ito ay maipadadala sa pamamagitan ng email, kasama ang mga kinakailangang impormasyon, sa itinalagang Copyright Agent ng Wattpad sa copyright@wattpad.com. Ang mga request ay kadalasang makatatanggap ng sagot sa loob ng three business days depende sa dami ng mga request.
Ayaw kong magbigay ng personal na impormasyon na kinakailangan sa DMCA Takedown notice. Ano ang maaari kong gawin?
Ang takedown request form ay magtatanong sa iyo ng iyong personal na impormasyon. Ito ay isang legal na dokumento at kailangan kaming mangolekta ng impormasyon upang makausad sa request. Hindi namin ibinabahagi ang iyong personal na detalye na ibinibigay ninyo sa take-down notice sa iba pang partido kapag tinatanggal namin ang akda. Inaatasan lang kami ng batas na kolektahin ang impormasyon. Sa kasamaang palad, hindi kami makauusad sa request kung ang impormasyon ay hindi maibibigay.
Pagbawi ng DMCA takedown request:
Kung namali ka ng pag-file ng DMCA takedown request, maaari mong bawiin ang iyong claim sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa copyright@wattpad.com. Dapat ipadala ang iyong email mula sa parehong email address o corporate domain na ginamit mo para isumite ang iyong orihinal na takedown request at ang paksa ay dapat na "Retraction of DMCA Request." Mangyaring magbigay ng paglalarawan sa email at magsama ng maraming impormasyon hangga't maaari upang maunawaan namin kung ano ang isasama sa pagbawi, kabilang ang mga direktang link sa nilalaman na nais mong maibalik. Kung bibigyan ka ng anumang mga reference na numero, mangyaring isama rin ang mga iyon.
Inirerekomenda rin namin na tingnan ang aming Support Bot kapag naghahanap ng mabilis na sagot! Maaari mong mahanap ang aming bot sa pamamagitan ng pag-click ng icon sa ibabang kanang bahagi ng Help Center (https://support.wattpad.com/hc/en-us), o sa pagtungo sa iyong Settings > Help Center sa app.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.