Skip to Content

Writer Subscriptions - FAQ

Ano ang writer subscriptions?

Sinusubukan namin ang writer subscriptions bilang isang kapana-panabik na bagong paraan upang direktang masuportahan ang inyong mga paboritong manunulat para sa paglikha ng mga kuwento, mundo, at karakter na iyong minahal. Kapag nag-subscribe ka sa isang manunulat, tinutulungan mo silang kumita para sa pagbabahagi ng kanilang talento at hinahayaan silang makalikha ng mas maraming mga kuwento at mga kabanata. Bilang isang subscriber, magkakaroon ka ng unlimited access sa lahat ng mga extra sa mga kuwento ng manunulat, kabilang ang Exclusive Chapters, at Writer Reveals. Ang iyong mga paboritong kuwento, ngunit mas mahaba, ang iyong pinahahalagahang mga plotline, na may bagong mga plot twist, at isang pagtingin sa behind-the-scenes sa proseso ng paglikha ng mga manunulat na iyong hinahangaan.

Ano ang Mga Extra?

Ang Mga Extra ay nagpapakilala ng mas nakaeengganyong karanasan sa pagbabasa, para panatilihin kang napupukaw ng walang katapusang aliw sa mga mundo ng Wattpad na nagustuhan mo, sa pamamagitan ng mga feature tulad ng Exclusive Chapters at Writer Reveals.

Ang Exclusive Chapters ay mga karugtong ng pangunahing kuwento na maaaring idagdag ng mga piling manunulat sa gitna o sa dulo ng kuwento. Maaaring kabilang sa Exclusive Chapters ang mga karugtong ng plot, alternate ending, prequel, sequel, at marami pang iba.

Ang Writer Reveals ay ang behind-the-scene notes ng mga manunulat, na inilathala ayon sa konteksto ng mga kabanata. Nagbibigay ito ng inside look sa proseso ng paglikha ng manunulat, na mayroong mga talakayan kung paano nabuo ang mga ideya, mga motibasyon ng karakter, at iba’t ibang malikhaing landas na ginalugad ng manunulat.

Sa anong mga lengguwahe available ang Exclusive Chapters at Writer Reveals?

Sa kasalukuyan, ang Exclusive Chapters at Writer Reveals ay available lamang sa mga kuwentong isinulat sa Ingles. Habang patuloy kaming natututo kung paano nakikipag-ugnayan ang mga mambabasa sa mga kabanatang ito, maaari naming tingnan ang pagpapalawak ng mga feature na ito sa mas maraming mga lengguwahe.

Saan available ang writer subscriptions sa ngayon?

Ang writer subscriptions ay available sa iOS at Android version 9.90 o higit pa sa United States simula Disyembre 1, 2022. Simula Disyembre 12, 2022, magiging available na rin ito sa Canada, United Kingdom, at Australia. Ang page na ito ay patuloy na magiging updated sa pinakabagong impormasyon.

Ano ang kabilang sa writer subscriptions?

Kapag nag-subscribe ka sa isang manunulat, direkta mo silang sinusuportahan, at magkakaroon ka ng unlimited access sa lahat ng mga extra sa mga kuwento ng manunulat na iyon, kabilang ang Exclusive Chapters at Writer Reveals—ang mga nalathala na noon, at lahat ng mga bagong content na ilalabas habang patuloy kang naka-subscribe. Pakatandaan na ang Wattpad Originals ay kasalukuyang hindi kabilang sa bersyon na ito ng writer subscriptions.

Paano ako makabibili ng writer subscription?

Kung ang isang manunulat ay mayroong subscription plan, mayroon kang makikitang Subscribe button sa kanilang profile sa Wattpad app. I-tap ang Subscribe button upang makita ang paywall na naglalaman ng mga feature na kasama sa plan at ang presyo ng monthly subscription. I-tap ang Subscribe upang kompletuhin ang iyong pagbili. Kapag naka-subscribe na, maaari ka nang bumalik sa profile ng manunulat upang mabasa ang kanilang subscriber extras, kabilang ang Exclusive Chapters at Writer Reveals.

Sa ngayon, maaari lamang makapag-subscribe sa isang manunulat gamit ang iyong App Store o Google Play account sa Wattpad application – hindi ito available sa wattpad.com

Mananatili ba ang aking access sa subscriber extras kung ika-cancel ko ang aking writer subscription?

Hindi. Kapag kinansela mo ang iyong writer subscription, mawawalan ka ng access sa mga extra na ginawa at gagawin pa lamang ng manunulat. Kung binili mo ang Exclusive Chapters at Writer Reveals gamit ang Coins bago ka naging isang subscriber, mananatili ang iyong access sa mga iyon kahit na ano pa man ang status ng iyong subskripsyon.

Ang pagbili ba ng isang writer subscription ay magbibigay sa akin ng access sa mga extra ng lahat ng mga manunulat?

Ang pagbili ng isang subscription ng isang manunulat ay magbibigay lamang sa iyo ng access sa mga extra ng mga kuwento ng manunulat na iyon at direkta silang susuportahan. Maaari kang mag-subscribe sa maraming mga manunulat nang sabay-sabay.

Paano ko makikita kung mayroong subscription plan ang isang manunulat?

Ang availability ng writer subscription ay makikita sa pamamagitan ng Subscribe button sa profile ng manunulat.

Paano ko kakanselahin ang aking subscription?

Upang kanselahin ang iyong writer subscription mula sa Wattpad app, bisitahin ang iyong Profile, i-tap ang Settings icon sa itaas na kanang bahagi, at piliin ang Writer Subscriptions mula sa menu. Dito, makikita mo ang lahat ng mga manunulat kung saan ka naka-subscribe. I-tap ang tatlong tuldok sa tabi ng subskripsyon na nais mong i-manage at magpatuloy sa App Store o Google Play upang kansalehin ito.

Bilang kahalili, i-tap ang Subscribed button sa profile ng manunulat kung saan ka naka-subscribe. Mapupunta ka sa isang screen kung saan nakalista ang lahat ng iyong mga aktibong writer subscription. I-tap ang tatlong tuldok sa tabi ng subskripsyon na nais mong i-manage at magpatuloy sa App Store o Google Play upang kanselahin ito.

Pakatandaan na ang iyong pag-cancel ay mapoproseso sa susunod na araw at mananatili ang iyong access sa iyong mga benepisyo sa subskripsyon hanggang sa dulo ng iyong kasalukuyang billing cycle.

Ilang mga manunulat ang maaari kong i-subscribe nang sabay-sabay?

Walang limitasyon sa bilang ng mga manunulat na maaari mong i-subscribe nang sabay-sabay.

Kailan ako matsa-charge kung nag-subscribe ako sa isang manunulat o sa maraming manunulat?

Ang iyong mga subskripsyon ay mag-o-auto-renew kada buwan sa pamamagitan ng App Store o Google Play, isang buwan matapos ang indibidwal na petsa ng pagbili.

Ano ang mangyayari kapag kinansela ko ang aking subskripsyon? Makakukuha ba ako ng refund?

Kapag kinansela mo ang iyong subskripsyon sa isang manunulat, mawawalan ka na ng access sa mga extra na kanilang ginawa sa pagtatapos ng iyong kasalukuyang billing cycle. Halimbawa, kapag nag-subscribe ka sa isang manunulat sa ika-18 ng Abril, at kinansela sa ika-10 ng Mayo, ang iyong subskripsyon ay mananatiling aktibo hanggang sa ika-17 ng Mayo, kung kailan mag-e-expire ang monthly term.

Ang refund ay hindi ibinibigay kapag kinansela ang subskripsyon.

Nag-subscribe ako sa isang manunulat ngunit ang kanilang content ay naka-lock pa rin. Paano ko aayusin ito?

Kung hindi ka nakatatanggap ng access sa mga benepisyo ng writer subscription pagkatapos ng pagbili, maaari kang magsumite ng support request sa aming Help Centre. Mula rito, maaari kang pumili na makipag-chat sa isang virtual helper, o magsumite ng request sa pamamagitan ng pagpili sa opsyon na writer subscriptions.

Maaari ba akong magkaroon ng access sa isang libreng trial ng isang writer subscription?

Hindi. Sa kasalukuyan, ang libreng trial ng writer subscriptions ay hindi available, at kapag nag-subscribe ka, ikaw ay matsa-charge agad.

Ano ang pagkakaiba ng writer subscriptions, Wattpad Premium, at Wattpad Premium+?

Kapag nag-subscribe ka sa isang manunulat, direkta mo silang sinusuportahan, at magkakaroon ka ng unlimited access sa lahat ng mga extra sa mga kuwento ng manunulat na iyon, kabilang ang Exclusive Chapters at Writer Reveals—ang mga nalathala na noon, at lahat ng mga bagong content na ilalabas habang patuloy kang naka-subscribe. Pakatandaan na ang Wattpad Originals ay kasalukuyang hindi kabilang sa bersyon na ito ng writer subscriptions.

Kasama sa Wattpad Premium ang walang abala, at walang ad na pagbabasa at unlimited offline stories. Ang mga subscriber at makakukuha rin ng bonus Coins sa pagbili, eksklusibong mga Reaction sticker, at custom theme colors para ma-personalize ang kanilang karanasan sa pagbabasa.

Kasama sa Wattpad Premium+ ang lahat ng mga feature ng Premium, na may karagdagang access sa Wattpad Originals.

Bakit hindi ako maka-subscribe sa aking paboritong manunulat?

Kasalukuyan naming tine-test ang mga subskripsyon sa isang maliit na grupo ng mga manunulat upang matutuhan kung paano namin sila mahahayaang direktang masuportahan ng kanilang mga mambabasa at mga fan sa mga bagong paraan. Batay sa aming mga natutuhan, maaari naming palawakin ang oportunidad na ito sa mas maraming mga manunulat sa paglipas ng 2023.

Paano sinusuportahan ng writer subscriptions ang mga manunulat?

Kapag bumili ka ng writer subscription, ibinigay namin nang direkta sa manunulat ang malaking porsyento sa nalikom mula sa iyong subskripsyon. Ang writer subscriptions ay isang mahusay na paraan upang iyong masuportahan sa pamamagitan ng salapi ang mga manunulat na iyong minahal dahil sa pagbabahagi ng kanilang talento, at para patuloy na lumikha ng mga kuwento, mundo, at karakter na talagang iyong gusto.

Paano ako makapag-o-offer ng isang subskripsyon sa Wattpad bilang isang manunulat?

Kasalukuyan naming tine-test ang mga subskripsyon sa isang maliit na grupo ng mga manunulat upang matutuhan kung paano namin sila mahahayaang direktang masuportahan ng kanilang mga mambabasa at mga fan sa mga bagong paraan. Batay sa aming mga natutuhan, maaari naming palawakin ang oportunidad na ito sa mas maraming mga manunulat sa paglipas ng 2023. Upang manatiling up to date sa mga bagong oportunidad para sa mga manunulat, maaari mong bisitahn ang Creators Portal at mag-subscribe sa Creators Newsletter.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
5 sa 5 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.