Oras na para maging maingay sa pag-like! Ipakita sa iyong kapwa mambabasa ang iyong pagkatuwa sa kanila sa pamamagitan ng pag-like ng kanilang mga komento.
Mano-notify ba ako kung may mag-like ng aking komento?
Hindi, walang notification para sa mga like sa mga komento sa ngayon. Kung may iba pang Wattpadder na nag-like ng iyong komento, hindi ka makatatanggap ng notification sa iyong feed, email, o device sa ngayon.
Ang mga komento bang may mas maraming likes ay mailalagay sa pinakataas?
Hindi, ang mga like sa komento ay hindi makaaapekto sa pagkakasunod-sunod ng mga komento sa ngayon. Ang mga komento ay nakaayos base kung kailan ito nailathala.
Makikita ba kung sino ang nag-like ng komento o mananatili itong anonymous sa comment section?
Sa ngayon, ang lahat ng mga like ay mananatiling anonymous.
Aksidente kong na-like ang isang komento, paano ko ito babawiin/ia-unlike?
I-tap muli ang heart button para i-unlike ang komento. Sa oras na mawalan ng kulay ang heart, naalis na ang iyong like.
Kung ang komento sa aking kuwento ay dumarami ang mga like, tataas ba ang ranggo ng aking kuwento?
Hindi — sa kasalukuyan, ang algorithm na sumusukat sa story rankings ay hindi isinasama ang mga like sa komento sa isang kuwento. Para sa iba pang detalye kung paano natutukoy ang mga ranggo, tingnan ang Tag Rankings FAQ.
Paano mag-report ng komento? (app)
Ang mga opsyon para mag-report, magbura, mag-share ng komento, at mag-mute ng user ay maaari nang magawa sa pamamagitan ng pag-long press. I-long press ang komento, at isang menu ang lalabas na naglalaman ng lahat ng mga opsyon na ito. Para mtauto nang higit pa sa pag-report ng mga komento at pag-report ng mga komento sa web, tingnan ang aming artikulo na Reporting story and profile comments.
Paano mag-delete ng komento? (app)
Ang mga opsyon para mag-report, magbura, mag-share ng komento, at mag-mute ng user ay maaari nang magawa sa pamamagitan ng pag-long press. I-long press ang komento, at isang menu ang lalabas na naglalaman ng lahat ng mga opsyon na ito. Para matuto nang higit pa sa pag-report ng mga komento at pag-delete ng mga komento sa web, tingnan ang aming artikulo na Pag-post o pagbura ng komento sa kuwento.
Paano mag-mute ng user sa mula sa kanilang komento? (app)
Ang mga opsyon para mag-report, magbura, mag-share ng komento, at mag-mute ng user ay maaari nang magawa sa pamamagitan ng pag-long press. I-long press ang komento, at isang menu ang lalabas na naglalaman ng lahat ng mga opsyon na ito. Para matuto nang higit pa sa pag-report ng mga komento at pag-mute ng user sa web, tingnan ang aming artikulo na I-mute o I-unmute ang isang user.
Paano mag-share ng komento? (app)
Ang mga opsyon para mag-report, magbura, mag-share ng komento, at mag-mute ng user ay maaari nang magawa sa pamamagitan ng pag-long press. I-long press ang komento, at isang menu ang lalabas na naglalaman ng lahat ng mga opsyon na ito.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.