Skip to Content

Nahihirapang magpadala ng mga mensahe?

Nahihirapan ka bang magpadala ng mga pribadong mensahe o sa pag-post ng mensahe sa conversation board ng iba? Ito ay dahil mayroon kaming inilagay na mga paghihigpit para maiwasan ang madalas pagpapadala ng mga hindi kailangang mensahe mula sa mga users. Ang mga pag-iingat na ito ay ginawa para pigilan ang spam accounts sa pagkalat ng mga malisyosong nilalaman sa Wattpad - ang aming prayoridad ay ang masuportahan ang ating komunidad sa pamamagitan ng pagsiguro na masaya at ligtas ang lahat ng mga user.

Kung nakakakita ka ng 1131 error message, ang iyong mga mensahe ay naipadala nang may antala, ito’y nag-grey out, o ikaw ay nabigyan ng isang unsolicited message error, ito marahil ay dahil lumagpas ka sa spam restrictions dulot ng masyadong madalas na pag-post/pagpapadala ng mga mensahe sa maraming mga user na hindi ka pina-follow sa loob ng maikling panahon. Aming inirerekomenda ang paghihintay ng 24 oras bago magpadala muli ng mga mensahe. Iminumungkahi rin namin ang paglalagay ng pagitan sa pagpapadala ng mga mensahe, at subukang ipadala ang mga ito pagkatapos ng ilang panahon.

Naiintindihan namin na may ilang mga manunulat na nais pasalamatan ang kanilang mga mambabasa sa kanilang pagsuporta. Aming inirerekomenda ang pag-post gamit ang announcements o ang pag-message ng mga readers na nagpa-follow sa iyo. Maaari mong i-message ang iyong mga followers anumang oras. Para sa iba pang tips kung paano i-promote ang iyong kuwento, tingnan ang artikulong ito.

Maraming salamat sa iyong pasensya at pag-unawa,

Ang Wattpad Support Team

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
167 sa 319 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.