Tuwing may inline comment, ito ay nakarehistro sa isang partikular na bahagi ng isang text. Sa ibang salita, ang komentong ito ay naka-assign sa partikular na text na iyon. Kung kaya’t sa tuwing ang kahit anong bahagi ng text ay na-edit, maglalaho ang inline comment. Makikita pa rin ang komento sa panlahatang mga komento kahit pa naglaho na ang inline comment.
Ang inline comments feature ay ang isang uri ng feature na dapat ay naka-on sa iyong account. Kung nakararanas ka ng problema sa pag-post o pagbabasa ng mga inline na mga komento, maaaring mong tingnan kung naka-on ang feature na ito sa iyo. Para gawin ito:
Sa iOS
- Tumungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi ng iyong home feed)
- I-tap ang Settings sa itaas na kanang bahagi
- Piliin ang Account Settings.
- Piliin ang Reading Settings.
- Siguraduhin mo na ang iyong Inline Comment toggle ay nasa kanan at kulay kahel, kung hindi, i-click ang toggle para ma-on ang feature.
Sa Android
- Tumungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi ng iyong home feed)
- I-tap ang Settings sa itaas na kanang bahagi.
- Piliin ang Reading Preferences
- Siguraduhin na may tsek ang kahon ng Inline Comments. Kung hindi, i-click ito para ma-on ang feature.
Sa Web
Kasalukuyang walang paraan para i-toggle ang inline comments para i-on at i-off sa Web.
Kung natingnan mo na ang iyong settings at nakitang naka-on ang feature na ito, mangyaring subukan ang mga sumusunod na hakbang sa pag-troubleshoot para maresolba ang iyong isyu:
- Subukang mag-log out at mag-log in muli, siguraduhin na naisara nang tuluyan ang app.
- I-on at i-off ang iyong wifi/data. Kung magpatuloy ang isyu, subukan ang ibang wifi network, o kung maaari, ibang data network.
- Subukang i-uninstall at i-reinstall ang app.
- Kung ikaw ay nasa Web, subukang mag-log in sa iyong account gamit ang ibang browser gaya ng Firefox o Google Chrome para makita kung ang isyu ay mararanasan pa rin sa ibang browser.
Kung hindi pa rin ito makatutulong sa iyo sa isyung ito, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.