Skip to Content

Pagsusulat ng iyong kuwento offline

Ang mga user ay maaaring isulat ang kanilang mga kuwento offline sa iOS at Android apps at ang iyong mga draft ay mase-save locally sa iyong device. Siguraduhing kumonekta sa wifi o data upang masigurong ang mga draft ay mase-save sa mga server ng Wattpad kapag ikaw ay tapos na! Kung ikaw ang nag-log out bago i-sync ang iyong akda gamit ang malakas na koneksyon, maaaring mawala ang iyong nagawang progreso, kaya’t siguraduhing huwag munang mag-log out pagkatapos magsulat offline nang hindi isine-save ang iyong akda online!

Kung ikaw ay nagkakaroon ng problema sa paghahanap ng kahit na anong content na iyong isinulat offline, subukan munang tingnan ang iyong revision history.

Mangyaring pakatandaan: Ang mga Android user ay hindi makapag-eedit ng pre-existing na mga parte ng kuwento offline ngunit maaaring malikha ng mga bagong parte ng kuwento at i-save ang mga draft mula doon.

Kung ikaw ay nagkakaroon ng problema sa pagse-save ng mga parte ng kuwento offline, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito. Siguraduhin na ang email na iyong gagamitin sa pagsulat sa amin ay ang email na naka-link sa iyong account.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
71 sa 104 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.