Skip to Content

Paano namin pinoprotektahan ang Iyong mga Kuwento


Milyong mga manunulat ang gumagamit ng Wattpad upang ibahagi ang kanilang mga kuwento at ideya sa mundo. Ang mga kuwentistang ito—na inilalaan ang kanilang oras sa pagbuo at pagbutihin ng kanilang mga akda—ay ‘di lang umaasa sa suporta ng global na komunidad, kundi maging sa mga pag-iingat na aming inilagay upang maprotektahan ang kanilang content. Lubos kaming nakatuon sa paghahanap ng mga paraan para mas pagbutihin pa ang aming pagkilos upang masiguro ang proteksyon at kaligtasan ng kamangha-manghang komunidad ng Wattpad.

Sa platform, kami ay:

  • Nag-aalis ng users/accounts na napatunayan na namimirata ng content.
  • Tumatanggap at gumagawa ng aksyon sa mga opisyal na DMCA Takedown Request mula sa may-ari ng copyright
  • Tumatanggap at gumagawa ng aksyon sa mga kumpirmadong copyright infringement reports ng mga kilalang nailathala na mga akda (halimbawa, ang Harry Potter series).

Sa labas ng platform, kami ay:

  • Gumagamit ng mayroon nang teknolohiya, polisiya, at mga legal na solusyon upang maiwasan ang mga namimirata ng nilalaman na magkaroon ng access sa mga kuwento sa platform

Sa kasamaang palad, nagagawang imposible ng internet na tuluyang mapigilan ang paglabag sa copyright. Subalit, ikaw ay awtomatikong protektado ng copyright law sa oras na ilagay mo ang iyong orihinal na akda sa isang fixed format. Hindi mo kailangang irehistro ang iyong akda sa opisina ng copyright para maprotektahan ito ng batas, ngunit ito ay maaaring makatulong. Bilang may-ari ng copyright ng iyong orihinal na akda, mayroon kang karapatan na magsumite ng DMCA (Digital Millennium Copyright Act) takedown request sa kahit anong website na may paglabag sa iyong akda.

Para matuto kung paano ireport ang site na pinaniniwalaan mong nagnakaw ng iyong content, mangyaring tingnan ang aming artikulo na Pag-report ng Copyright


Nakakatulong ba ang artikulong ito?
72 sa 90 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.