Para i-manage ang iyong Premium subscription sa Android, kailangan mong dumaan sa Google Play store. Hindi maaaring i-manage ng Wattpad ang anumang pagbabago sa subscription para sa iyo.
Para ma-access ang iyong subscription settings:
- Sa iyong Android device, buksan ang Google Play. Siguraduhing naka-sign in ka sa tamang Google Play account, kung hindi ito ang Google Play account kung nasaan ang iyong mga subscription, lumipat sa tamang account.
- Sa itaas na kaliwang bahagi ng navigation menu, i-tap ang Options menu at piliin ang My Subscriptions
- Mag-scroll pababa para mahanap ang Wattpad app at piliin ito (huwag i-click ang “Open” button sapagkat bubuksan lamang nito ang Wattpad application)
- I-click ang Manage Subscriptions
- Mula sa “Manage Subscription” modal, maaari mong palitan ang iyong renewal period, mag-upgrade o kanselahin ang iyong subscription.
Wala na akong Android device.
Kung wala ka nang Android device, mangyaring sundin lamang ang mga sumusunod na hakbang gamit ang computer.
- Pumunta sa play.google.com.
- I-check kung naka-sign in ka sa tamang Google Account.
- Sa kaliwa, i-click ang My subscriptions.
- Piliin ang subscription na nais mong kanselahin.
- I-click ang Manage, pagkatapos ay ang Cancel Subscription
Pagkatapos magkansela ng subscription, maaari mo pa ring magamit pansamatala ang iyong subscription na iyong nabayaran na.
Mangyaring pakatandaan, ang pag-uninstall ng app o pagsara ng iyong account ay hindi magkakansela ng iyong subscription.
Kung kailangan mo pa ng tulong para i-manage ang iyong mga subscription O kung ang mga hakbang sa itaas ay hindi gumagana, mangyaring gawing gabay ang sumusunod na mga impormasyon para Kanselahin, i-pause, o baguhin ang subscription sa Google Play.
Kung nakararanas ka pa rin ng problema pagkatapos gawin ang mga ito, maaari mong i-click ang ‘Fix a problem / Contact us’ sa ibaba ng page na ito para magsumite ng ticket.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.