Para baguhin o kanselahin ang mga subscription sa iyong iPhone, iPad, o iPod:
- Buksan ang Settings app.
- I-tap ang iyong pangalan sa taas, pagkatapos, i-tap ang Subscriptions
- I-tap ang subscription na nais mong i-manage
- Pumili ng ibang subscription option o i-tap ang Cancel Subscription
Hindi nakita ang subscription na hinahanap mo?
Kung sinubukan mog mag-cancel ng subscription ngunit hindi ito makita sa listahan, i-click ito.
Wala na akong Apple device
Kung wala ka ng Apple device, mag-download ng iTunes sa PC para baguhin o kanselahin ang iyong mga subscription at sundan ang mga sumusunod na mga hakbang:
- Buksan ang iTunes.
- Mula sa menu bara sa taas ng iTunes window, piliin ang Account, pagkatapos, piliin ang View My Account. Maaring ikaw ay atasan na mag-sign in gamit ang iyong Apple ID.
- I-click ang View Account.
- Mag-scroll sa Settings section. Pagkatapos ng Subscriptions, i-click ang Manage.
- I-click ang Edit kasunod ng iyong nais na subscription. Hindi mo nakita ang subscription na hinahanap mo?
- Pumili ng ibang subscription option o i-click ang Cancel Subscription
Maaari ka ring makipag-ugnayan sa Apple Support.
Kung ikaw ay nasa Israel, South Africa, at Turkey, maaari mong kanselahin ang ginawang subscription sa iTunes Store o App Store nang may mabilis na epekto. Para sa iba pang impormasyon, pumunta rito.
Kung kailangan mo ng iba pang pag-alalay kung paano i-manage ang iyong mga subscription O kung ang mga hakbang sa itaas ay hindi gumagana, mangyaring gawing batayan ang mga sumusunod na impormasyon para Tingnan, baguhin, o kanselahin ang iyong subscription.
Kung nakararanas ka pa rin ng problema pagkatapos nito, maaari mong i-click ang ‘Fix a problem / Contact us’ na button sa page na ito para magsumite ng ticket.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.