Skip to Content

Pag-request ng Refund para sa iyong Premium subscription

Ang ilang pagbili sa mga store ay maaaring maging kwalipikado para sa refund. Mangyaring tingnan ang mga detalye kung paano makakuha ng refund ayon sa iyong device.

Pumili ng platform para sa iba pang mga detalye:

Sa App Store 

Ang mga bagong pagbili mula sa App Store, iTunes Store o iba pang Apple services ay maaaring kwalipikado para sa isang refund. Maaari kang gumamit ng kahit anong device na may web browser para humingi ng refund.

Para humingi ng refund gamit ang kahit anong device:

  1. Pumunta sa reportaproblem.apple.com
  2. Mag-sign in gamit ang Apple ID at password
  3. Kapag may nakita kang “Report” o “Report a Problem” button sa tabi ng item na gusto mong hingan ng refund, i-click ito.
  4. Sundan ang mga hakbang sa page para makapili ng dahilan kung bakit gusto mo ng refund at isumite ang request. 

Kung ang charge ay nakabinbin, hindi ka pa maaaring mag-request ng refund. Pagkatapos pumasok ng charge, subukang humingi muli ng refund. Kung mayroon kang order na hindi pa nababayaran, kailangan mo na munang bayaran ang order na iyon bago humingi ng refund. Maaaring kailangan mo ring i-update ang iyong payment information.

Ang ilang pagbili ay hindi kwalipikado para sa refunds. Tingnan ang Apple Media Services Terms and Conditions para sa mga detalye.

Sa Google Play 

Ang lahat ng Android refunds ay pinamamahalaan ng Google Play Store. Ang Google ay maaaring magbigay ng refunds para sa ilang pagbili sa Google Play, depende sa refund policies

Mangyaring sundin lamang ang mga sumusunod na habang sa paghingi ng refund mula sa isang Android device:

  1. Buksan ang mobile browser (tulad ng Chrome o Safari).
  2. Sa itaas, i-enter ang play.google.com 
  3. I-tap ang navigation menu sunod ang Account pagkatapos ay Order History.
  4. Sa order na nais mong isauli, piliin ang Request a refund o Report a problem at piliin ang option na naglalarawan ng iyong sitwasyon.
  5. Kumpletuhin ang form at ilagay na nais mong mag-refund. 
  6. May makikita kang mensahe na nagsasabing “Thank you for sharing your concerns.” May matatanggap kang email na naglalaman ng desisyon tungkol sa iyong refund. Kadalasan ay matatanggap mo ito sa loob ng 15 minuto, ngunit maaaring umabot ng apat na business days. 

Kung hindi mo nakikita ang iyong order, maaaring nabili mo ito gamit ang ibang Google Account. Matuto kung paano magpalit ng accounts.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
13 sa 41 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.