Skip to Content

Mga pahintulot sa copyright

Kapag nag-post ka ng iyong kuwento sa Wattpad gamit ang Advanced Options, mayroong multiple copyright options na maaari mong pagpilian. Ang bawat opsyon ay nalalapat lamang sa akda na maaari mong i-copyright; kung ikaw ay naglagay ng song lyrics, mga linya mula sa libro, pelikula o tv shows, o mga popular na tao at mga historical figure, hindi mo inaangkin ang pagmamay-ari ng copyright sa mga ito sa pagpili sa kahit na anong mga opsyon na ito.

Ang pagpili ng copyright language ay hindi nagrerehistro ng iyong akda sa kahit na anong copyright office, o naglilipat ng iyong copyright ownership sa Wattpad (nagbibigay ka ng ilang limitadong mga lisensya sa Wattpad kapag nag-uupload ka ng kuwento o iba pang content). Kung nais mong irehistro ito sa copyright office ng iyong bansa, maraming mga sanggunian online na makatutulong sa iyo. Maaari mong hanapin ang copyright office ng iyong bansa sa pamamagitan ng Directory of Intellectual Offices ng WIPO sa http://www.wipo.int/directory/en/urls.jsp

 

Ang mga pinaka-karaniwang ginagamit na lisensya ay ang sumusunod:

All Rights Reserved

Ang may-ari ng copyright ay napananatili ang lahat ng karapatan na sakop ng copyright law, maging sa distribution, performance at pagbuo ng kanilang akda. Sa ilang paraan, mayroon kang kontrol sa iyong akda, pero dahil hindi ka binibigyan ng copyright ng buong monopolyo, maaari pa ring gamitin ng iba ang iyong akda sa ibang paraan, tulad ng pagkuha ng maikling linya para sa mga interview at mga rekomendasyon, sa paggawa ng fanart o covers para sa iyo, atbp.

 

Public Domain

Kilala rin ito bilang "No rights reserved". Ang paglalagay ng isang akda sa public domain sa karamihan ng mga bansa ay maaaring maging isang kumplikadong proseso, ngunit kapag pinili mo ang opsyon na ito, sinasabi mo sa lahat na maaari nilang gamitin ang iyong kuwento sa kahit anong layunin; puwede nila itong ilathala at ibenta, gawing pelikula, o kung anuman ang kanilang gusto. Kapag pinili mo ang opsyon na ito, pinapakawalan mo ang lahat ng iyong mga copyright sa iyong kwento.

 

Creative Commons

Ibinahagi ng Creative Commons ang teksto ng ilang uri ng mga copyright license. Kapag pumili ka ng isa, inilaan mo ang ilang karapatan sa iyong kuwento, ngunit ibinibigay mo rin sa publiko ay ilang mga lisensya, tulad ng karapatang isalin ang iyong kuwento o gumawa ng pelikula gamit ang iyong diyalogo, o ilathala ito para ibenta sa isang fancon. Ang mga indibidwal na nagnanais na makipag-collaborate sa isang manunulat ay dapat dumaan sa rutang ito. Maraming Creative Commons licenses na naaangkop sa iyong pangangailangan tulad ng Attribution [CC BY], Share Alike [CC BY-SA], No Derivative [CC BY-ND] and Non Commercial [CC BY-NC]. Para sa iba pang impormasyon sa mga opsyon sa copyright ng Creative Commons, mangyaring bisitahin ang http://creativecommons.org/licenses/ 

 

Para sa higit pang impormasyon sa pahintulot, partikular sa paggamit ng gawa ng ibang tao, pakitingnan ang aming artikulo: Puwede ko bang gamitin ang kanilang gawa?: Maaari ko bang gamitin ang kanilang gawa/kuwento/content?

 

Inirerekomenda rin namin na tingnan ang aming Support Bot kapag naghahanap ng mabilis na sagot! Maaari mong mahanap ang aming bot sa pamamagitan ng pag-click ng icon sa ibabang kanang bahagi ng Help Center (https://support.wattpad.com/hc/en-us), o sa pagtungo sa iyong Settings > Help Center sa app.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
7 sa 8 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.