Ang mga push (o mobile) notification ay ang mga alert na lumilitaw sa labas ng app sa iyong mobile device. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga push notification at kung paano i-configure ang mga ito, piliin ang iyong device.
iOS
Maaari kang makatanggap ng mga push notification sa iOS para sa:
- Mga post sa iyong message board
- Mga komento sa iyong kuwento
- Mga reply sa iyong mga komento sa mga kuwento
- Mga update sa mga kuwento sa iyong library
- Mga bagong follower
- Mga boto sa iyong mga kuwento
- Mga anunsyo mula sa mga profile na iyong pina-follow
- Mga balita tungkol sa product & community mula sa Wattpad
- Mga update sa promotion & event sa Wattpad
May dalawang paraan para ma-control ang iyong mga push notification sa iOS:
Sa Wattpad app:
- Tumungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi)
- I-tap ang settings sa itaas na kanang bahagi
- Piliin ang Push notifications
- Piliin o alisin ang mga notification base sa iyong mga kagustuhan
Sa iyong iOS device settings:
- Buksan ang Settings
- I-tap ang Notifications
- Mag-scroll pababa hanggang makita mo ang Wattpad at pindutin ito
- I-tap ang Allow Notifications
- I-customize kung paano mo nais makatanggap ng mga push notification
*Mangyaring pakatandaan: Ang mga push notification ng Wattpad ay hindi gagawa ng tunog, kahit na naka-on ang tunog sa iyong iOS settings
Android
Maaari kang makatanggap ng mga push notification sa Android para sa:
- Mga post sa iyong message board
- Mga komento sa iyong kuwento
- Mga reply sa iyong mga komento sa mga kuwento
- Mga update sa mga kuwento sa iyong library
- Mga bagong follower
- Mga boto sa iyong mga kuwento
- Ang user na iyong pina-follow ay nag-upload ng bagong kuwento
- Mga promotion mula sa Wattpad (para i-off ang mga notification na ito, tingnan ang parteng Sa iyong Android device settings sa ibaba)
May dalawang paraan para ma-control ang iyong mga push notification sa Android:
Sa Wattpad app:
- Tumungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi)
- I-tap ang settings sa itaas na kanang bahagi
- Piliin ang Notifications
- Piliin o alisin ang mga notification base sa iyong mga kagustuhan
Sa iyong Android device settings:
- Buksan ang Settings
- I-tap ang Apps Notifications
- Piliin upang ipakita ang lahat ng mga app
- Mag-scroll pababa at i-tap ang Wattpad
- Piliin o alisin ang mga notification base sa iyong mga kagustuhan
*Mangyaring pakatandaan: Upang isara ang mga notification tungkol sa mga promotion sa Wattpad, alisin ang pagkakapindot sa General sa ilalim ng seksyon ng Other sa iyong device settings
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.