Sa ngayon, walang paraan upang burahin o alisin ang isang notification mula sa iyong notification feed. Kung hindi mo na nais na makatanggap ng isang tiyak na uri ng feed notification, maaari mong i-off ang feed notifications sa iyong mga setting ng notification.
Nakatatanggap ako ng mga story update notification para sa isang kuwentong wala sa aking library.
Kung nakatatanggap ka ng mga story update notification para sa isang kuwentong wala sa iyong library, mangyaring magsumite ng Support request. Maaari kang magsumit ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang isang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito.
Nakatatanggap ako ng mga notification sa reply sa isang komento para sa isang comment thread na hindi ko na nais mapasali pa.
Kailangan mong hanapin ang komentong iyong isinulat at burahin ito sa thread. Sa oras na mabura na ang iyong orihinal na komento, hindi ka na makatatanggap ng iba pang mga notification.
Kung hindi mo mahanap ang komento, o kung nabanggit ka ng iba sa thread, mangyaring magsumite ng Support request. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang isang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito.
Mangyaring isama sa iyong request:
- Ang pamagat ng kuwento kung saan naka-post ang komento
- Ang pamagat ng parte ng kuwento kung saan naka-post ang komento
- Ang username ng manunulat ng kuwento
Nakatatanggap ako ng mga notification mula sa user na na-block o na-mute ko na.
Ang mga Wattpadder ay binigyan ng kapangyarihan na gamitin ang block at mute functions upang i-manage ang kanilang komunikasyon sa ibang mga user. Ang block at function functions ay maaaring gamitin upang maiwasan ang komunikasyon sa pagitan ng dalawang Wattpadder.
Kung na-block o na-mute mo na ang user, ngunit nakahahanap pa rin sila ng paraan upang galitin at gambalain ka, maaari mo silang i-report sa pamamagitan ng pagsusumite ng request sa www.wattpad.com/help. Mangyaring tingnan ang Wattpad Safety Portal para sa iba pang impormasyon tungkol sa pagharap sa harassment at bullying.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.