Skip to Content

Mga parte ng kuwento na lumilitaw nang hindi maayos sa talaan ng mga nilalaman

Kung gumagamit ka ng Android app at nakararanas ng mga parte ng kuwento na lumalabas nang hindi maayos sa talaan ng mga nilalaman ng iyong kuwento, malamang ay dahil ito sa isang isyu sa pag-sync. Gayunpaman, kadalasang nangyayari lamang ito kapag tinitingnan ang kuwento bilang isang manunulat, kaya dapat makita ng mga mambabasa ang tamang pagkakasunod-sunod.

Upang maresolba ang isyu, sundin ang mga hakbang sa pag-troubleshoot na ito:

  1. Mag-log out sa iyong account at ganap na isara ang app.
  2. I-install muli ang app.

Kung magpapatuloy ang isyu, tingnan kung nangyayari din ito sa web na bersyon ng Wattpad. Kung gayon, muling ayusin ang mga parte ng kuwento gamit ang mga panuto sa artikulong Pagsasaayos ng pagkakasunod ng mga parte ng iyong kuwento sa website. Pagkatapos, subukang muli ang mga hakbang sa pag-troubleshoot para sa app.

Kung magpapatuloy pa rin ang isyu, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
3 sa 4 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.