Kung ina-access mo ang website ng Wattpad (www.wattpad.com) sa pamamagitan ng browser at wala kang nakikitang icon na lapis o opsyon na "Magsulat", malamang ay dahil ito sa isa sa mga dahilan sa ibaba:
Mobile web
Gumagamit ka ng mobile web. Sa ngayon, hindi pa namin na-optimize ang karanasan sa pagsusulat para sa mobile web, kaya sa kasalukuyan ay walang madaling paraan upang gumawa o mag-publish ng mga bagong kuwento kapag ginagamit ito.
Maa-access mo pa rin ang iyong mga akda sa mobile web sa pamamagitan ng direktang pagpunta sa URL: https://www.wattpad.com/myworks.
Kung gumagamit ka ng phone, lubos naming inirerekomenda ang pag-download ng Wattpad app. Mula roon, mas madali kang makagagawa o makapagpa-publish ng mga bagong kuwento.
Naka-zoom in ang screen
Naka-zoom in ang screen ng iyong browser. Upang ayusin ito, subukang ibalik ito sa 100% o mas maliit.
Masyadong maliit ang screen
Depende sa laki ng iyong screen, ang karanasan sa pag-access sa website ng Wattpad (www.wattpad.com) ay magiging katulad ng sa mobile web — ibig sabihin, hindi ka rin makakakita ng icon na lapis o opsyon na "Magsulat" sa homepage. Karaniwan itong nangyayari sa mga screen na mas maliit sa 12 pulgada.
Kung wala sa mga kasong ito ang naaangkop sa iyong sitwasyon, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.