Paano gumagana ang read count?
Ipinapakita ng read count ang iyong Total Reads. Ito ang kabuuang bilang ng beses na natingnan o nabasa ang mga parte ng iyong kuwento gaano man katagal mula noong na-publish ang mga ito (sa lahat ng oras). Bilang halimbawa, kung ang isang mambabasa ay tumitingin o nagbasa ng 10 parte ng iyong kuwento, ito ay mabibilang bilang 10 Total Reads. Kung binasa o tinitingnan ng isang mambabasa ang Part 1 ng iyong kuwento nang 4 na beses sa maraming session, mabibilang ito bilang 4 na Total Reads. Ang reads ang pinakamalawak na sukatan ng interes sa iyong kuwento at naipon mula sa araw na nai-publish mo ang unang parte ng iyong kuwento.
Kung gusto mong malaman ang pagkakaiba sa pagitan ng Total Reads at Engaged Readers, tingnan ang artikulong Story Statistics FAQ.
Bakit hindi nagbabago ang aking read count kahit alam kong binabasa ng mga tao ang kuwento ko?
Ang read count ay maaaring tumagal mula sa ilang minuto hanggang ilang oras upang ma-update. Ang oras na ito ay maaari ding mag-iba depende sa platform na iyong ginagamit, kaya palagi naming inirerekomenda na maghintay ng hindi bababa sa 24 na oras upang kumpirmahin kung ang isang read ay nabilang o hindi.
Bakit mas maraming votes kaysa reads sa aking kuwento?
Upang mabilang ng aming system ang isang read, ang isang mambabasa ay dapat mapunta sa isang parte ng kuwento at pagkatapos ay magsimulang mag-scroll sa pahina. Dahil dito, posibleng makatanggap ang isang kuwento ng boto mula sa isang user at hindi sabay na nagbasa.
Bakit tumataas ang read count ko kung nasa drafts ko pa rin ang aking kuwento?
Binibilang ng aming system ang mga read ng isang kuwento kapag na-preview ito ng isang manunulat, kaya ito ang magiging dahilan kung bakit tumataas ang iyong read count para sa isang partikular na parte ng kuwento kahit hindi pa na-i-publish ang parte ng kuwento. Ang nagbasa ay ikaw talaga! Nangyayari ito kapag tiningnan mo ang iyong sariling kuwento bilang isang mambabasa.
Sa kasamaang palad, sa ngayon, hindi posibleng ibukod ang mga read ng manunulat sa read count.
Bakit bumababa ang bilang ng aking reads?
Ang pagbubura ng parte ng kuwento ay magreresulta sa pagtanggal ng lahat ng mga read at boto na nauugnay sa espisipikong parte na iyon mula sa kabuoang bilang ng read.
Mayroon akong higit sa 1,000 reads ngunit ang counter ay tumigil sa pag-update. Bakit gano'n?
Kapag ang isang kuwento ay may higit sa 1,000 reads, ang counter ay magsisimulang i-round pataas o pababa ang numero. Kaya, halimbawa, kung ang iyong kuwento ay may 1,234 reads, lalabas ito sa iyo bilang 1.2K. Kapag umabot na sa 1,300 reads ang kuwento, ma-a-update ito sa 1.3k at iba pa.
Kung ikaw ay nasa website (www.wattpad.com), maaari mong i-hover ang iyong mouse sa ibabaw ng iyong kabuuang read count upang makita ang eksaktong bilang ng mga read na mayroon ang iyong kuwento sa sandaling iyon.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.