Skip to Content

“Ang iyong mga kuwento” sa Wattpad homepage: FAQ

Ano ito?

Ito ay isang panibagong hilera sa iyong homepage na idinesenyo upang panatililihin kang konektado sa mga kuwento na iyong nabasa. Ibinibida nito ang mga kuwentong iyong binabasa, mga kuwentong may mga bagong parte mula sa iyong reading history (hanggang sampung kuwento), at iba pang mga kuwentong binasa mo kamakailan (hanggang sampung kuwento).

Maaari ko bang itago ang hilerang ito o ang mga kuwento na nilalabas dito?

Sa kasalukuyan, hindi mo maaaring alisin o itago ang hilerang ito o kahit anuman sa mga kuwento rito. Ngunit, ang hilerang ito ay araw-araw na magiging updated upang ipakita sa iyo ang pinakabago at pinaka-up-to-date na mga kuwento na iyong binabasa.

Bakit hindi ko nakikita ang hilerang ito?

Maaaring ito ay dahil sa ilang mga kadahilanan:

  • Isa kang bagong user at wala ka pang nababasang kahit ano: ang hilerang ito ay mapupunan kapag ikaw ay nagbasa.
  • Hindi ka pa nagbabasa magmula noong mangolekta kami ng data para sa hilerang ito (Agosto 2023): ito ay mapupunan kapag nagpatuloy ka sa pagbabasa.
  • Gumagamit ka ng ad blocker: hindi namin magagawang mangolekta ng reading data para sa kahit na sinong gumagamit ng ad blocker.

Bakit hindi up-to-date ang hilera?

Pinaghuhusay namin ang pagpapabuti ng aming sistema upang mabawasan ang lag time. Sa kasaluyan, ang mga kuwento ay dapat mag-refresh kada 5 hanggang 10 minuto. Para mag-refresh nang mano-mano:

Sa iOS: buksan ang homepage at hilain pababa mula sa itaas ng screen

Sa Android: isara ang app nang tuluyan at muli itong buksan

Sa web: pindutin ang refresh button

Bakit mas kaunti sa sampung kuwento ang “May bagong update” o “Balikan muli”?

Nagsimula pa lang kaming nangolekta ng data para sa hilerang ito noong Agosto 2023. Kung hindi ka nakapagbasa ng dalawampung kuwento mula noon, mas kaunti ang makikita mong kuwento sa iyong hilera.

Sa kabilang banda, kung marami kang kuwentong nabasa, ngunit wala o kaunti lamang ang may bagong parte na naidagdag sa mga ito noong nakalipas na dalawang linggo, mas kaunting kuwento ang makikita mo sa “May bagong update” na seksyon.

Bakit may ilang kuwento na binasa ko kamakailan lamang ang nawawala sa hilera?

Kung gumagamit ka ng ad blocker, hindi kami makapagkokolekta ng data para sa iyo. Kung paminsan ka lamang gumamit ng ad blocker (halimbawa, gumamit ka ng ad blocker sa web ngunit nagbabasa ka rin ng Wattpad sa app), maaari lamang naming ipakita sa iyo ang mga kuwentong binabasa mo habang hindi gumagamit ng ad blocker.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
12 sa 20 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.