Ano ang Publishing Scheduler?
Ang Publishing Scheduler ay binibigyan ang mga creator ng kakayahan na mag-schedule ng mga bagong story part upang i-publish sa hinaharap na petsa at oras. Sa feature na ito, madali mong maipagpapatuloy ang iyong kuwento para sa iyong mga mambabasa kahit na huminto ka muna. Kahit pa ikaw ay nagpapahinga sa pagsusulat, nasa bakasyon, o may inaasikasong personal, maaari mong i-schedule ang mga susunod na parte ng iyong kuwento upang panatilihing nakasubaybay ang iyong mga mambabasa sa mundong kinagigiliwan nila.
Paano ba gumagana ang Publishing Scheduler?
Web
Pag-publish ng isang parte kada oras:
- I-tap ang “Sumulat” sa itaas na kanang bahagi
- Pumunta sa parte ng kuwento na nais mong i-publish
- I-tap ang “I-publish” sa itaas na kanang bahagi
- May lilitaw na pop-up kung saan magkakaroon ng opsyon upang i-tap ang “I-publish ngayon” o i-tap ang “I-schedule upang i-publish mamaya”.
- Kung pipiliin mo ang “I-schedule para i-publish mamaya,” ikaw ay uudyukin na pumili ng petsa at oras para i-publish ang parte ng iyong kuwento.
- Sa oras na mailagay mo na ang iyong schedule, i-click ang checkbox upang kumpirmahin na iyong naiintindihan na ang iyong kuweto ay awtomatikong mailalathala sa iyong mga mambabasa sa pinili mong oras.
- I-tap ang “Schedule”, at isang pop-up ang magkukumpirma sa iyo na naka-schedule na ang iyong kuwento.
Paano ako magkakaroon ng access sa Publishing Scheduler?
Kapag nag-draft ka ng panibagong parte ng kuwento sa desktop web at i-click ang Publish button, makakikita ka ng dalawang opsyon: “I-publish Ngayon” o “I-schedule upang i-publish mamaya”. Piliin ang “I-schedule para i-publish mamaya” at sundan ang mga panuto upang piliin ang oras at petsa kung kailan nais mong i-publish ang parte ng iyong kuwento.
Maaari ko bang gamitin ang feature na ito sa Wattpad app at sa web?
Sa kasalukuyan, ang Publishing Scheduler ay available sa web lamang. Subalit, maaari mong makita ang iyong publishing schedule sa Wattpad app sa pamamagitan ng pagpunta sa “Ang Aking Mga Kuwento”.
May limitasyon ba kung ilang parte ng kuwento ang maaari kong i-schedule nang sabay?
Walang limitasyon sa kung ilang parte ang maaari mong i-schedule nang sabay.
Makikita ko ba kung ilang parte ang aking nai-schedule?
Oo, kung nag-schedule ka ng mga parte, maaari mo itong makita sa “Ang Aking Mga Kuwento” na screen para sa bawat kuwento.
Ikaw lamang ang makakikita nito. Ang iyong mga mambabasa ay hindi makikita kung ilang parte ang naka-schedule para sa iyong kuwento.
Gaano kaaga ko maaaring i-schedule ang akong mga parte?
Maaari kang mag-schedule ng mga parte hanggang isang (1) taon bago ito mailathala.
Maaari ko bang i-edit ang schedule?
Oo. Sa oras na nailagay mo na ang schedule ng (mga) parte ng iyong kuwento - at bago pa man mai-publish ang (mga) parte ng kuwento - maaari mong i-edit o kanselahain ang mga naka-schedule na petsa at/o oras. Para magawa ito, i-click ang kuwento na may publishing schedule na nais mong baguhin. I-tap ang tatlong tuldok sa tabi ng naka-schedule na parte, pagkatapos i-tap ang “Baguhin ang schedule”. Makikita mo ang opsyon upang i-edit ang schedule o “i-unschedule” ang parte.
Maaari ko bang alisin ang naka-schedule na parte?
Oo. Bago mailathala ang isang parte, maaari kang pumunta sa naka-schedule na parte upang i-unschedule ang parte at ilipat ito sa iyong drafts, o burahin ito.
Gaano kaaga ako maaaring mag-schedule ng parte upang i-publish?
Kung nais mong maging available agad ang parte ng iyong kuwento sa iyong mga mambabasa, maaari mong piliin ang “I-publish Ngayon” na opsyon. Kung naais mo namang i-schedule ang iyong parte, ang pinakamaagang panahon ng pag-schedule ay labinlimang (15) minuto bago ang oras ng pag-publish nito.
Maaari ko bang i-edit ang naka-schedule na parte?
Oo. Maaari kang gumawa ng mga edit sa mga parte hanggang sa mai-publish at pagkatapos itong mai-publish.
Sa anong timezone maipa-publish ang aking kuwento?
Ang schedule na iyong pipiliin ay nakabase sa timezone sa iyong device settings.
Makatatanggap ba ako ng notification kapag nai-publish na ang aking naka-schedule na parte?
Kapag nag-schedule ka ng isang parte, makatatanggap ka ng dalawang notification. Ang una ay ang kompirmasyon na ang iyong parte ay na-schedule, at ipadadala sa loob ng 24 oras bago naka-schedule na maging live ang iyong parte. Ang pangalawang notification ay ipadadala kapag ang iyong naka-schedule na parte ay naging live sa oras at petsa na iyong pinili.
Mangyaring pakatandaan, kapag nag-schedule ka ng parte na maging live na mas mababa sa isang (1) oras (hal. sa 2PM, nag-schedule ka ng parte na maging live ng 2:30PM), hindi mo matatanggap ang unang notification na nagkokompirma ng pag-schedule. Sa halip, makatatanggap ka lamang ng notification kapag ang iyong parte ay live na.
Sa iyong “Ang Aking Mga Kuwento” na page, makikita mo ang lahat ng parte kung naka-schedule ito, naka-publish na, o nasa draft mode.
Kailan ito magiging available sa mga mobile device?
Pinag-aaralan namin kung paano magiging available ang feature na ito sa mobile at magbabahagi kami ng mga detalye sa pinakamabilis na posibleng panahon.
Available ba ito sa lahat ng mga lengguwahe?
Ang feature na ito ay available sa buong mundo sa lahat ng mga lengguwahe.
Saan ako maaaring magbahagi ng opinyon tungkol sa feature na ito?
Para sa kahit anong alalahanin o katanungan ukol sa paggamit ng Publishing Scheduler feature, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click ng ‘Ayusin ang problema / Makipag-uganyan sa amin’ sa kanan o sa baba ng artikulong ito.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.