Ano ang Premium Picks? Paano gumagana ang feature na ito?
Ang Premium Picks ay isang bagong paraan para sa mga subscriber ng Wattpad Premium at Premium+ na ma-access ang isang na-curate na koleksyon ng Wattpad Originals sa parehong sulit na presyo.
Sa bawat unang araw ng buwan, ang mga subsciber ay magkakaroon ng access sa isang bagong koleksyon ng 5 Wattpad Originals na maaaring basahin sa buong buwan, upang patuloy silang masiyahan sa mahuhusay na content mula sa mga top creator ng Wattpad sa iba’t ibang mga genre.
Ang mga naka-feature na Wattpad Originals sa Premium Picks ng kasalukuyang buwan ay hindi magkakaroon ng mga paywall para sa mga subscriber, ibig sabihin, hindi mo kailangang gumamit ng Coins o ng iyong mga Premium+ unlock para basahin ang mga ito.
Ilang Wattpad Originals ang kasama sa Wattpad Premium at Premium+?
Ang mga subscriber ay magkakaroon ng access sa 5 Wattpad Originals kada buwan sa kanilang subskripsyon.
Ano ang pinagkaiba ng Wattpad Premium at Premium+?
Ang Wattpad Premium ay isang pinahusay at subscription-based na bersyon ng Wattpad. Ang mga subscriber ng Premium ay makatatanggap ng walang abala at walang ad na pagbabasa sa lahat ng kanilang mga device at unlimited offline stories. Ang mga subscriber ay makatatanggap din ng access sa Premium Picks, isang naka-curate na koleksyon ng Wattpad Originals na nire-refresh kada buwan, at hanggang 66% bonus Coins sa bawat pagbili ng kahit na anong Wattpad Coin package upang makapag-unlock ng mas maraming Wattpad Originals. Isa pang Premium feature? Access sa custom na kulay ng tema upang gawing mas personal ang buong karanasan sa Wattpad.
Sa Premium+, maaari mong i-enjoy ang lahat ng benepisyo ng Wattpad Premium, at maaaring mag-unlock ng Wattpad Originals na nais mo, mula sa lumalagong koleksyon ng libo-libong mga kuwento sa bawat genre, sa Wattpad lang. Maaari kang mag-unlock ng 2 Wattpad Originals/buwan sa isang buwanang Premium+ plan, 12 Wattpad Originals/6 buwan sa 6 na buwan na plan, at 24 Wattpad Originals/taon sa isang taunang plan.
Ano ang benepisyo ng pag-subscribe upang maka-access ng Wattpad Originals vs. pag-unlock gamit ang Coins?
Ang subskripsyon sa Wattpad Premium o Premium+ ay ang mas cost-effective at madaling paraan para ma-enjoy ng mga mambabasa ang Wattpad Originals kumpara sa pagbili ng mga Coin pack upang makapag-unlock ng mga kompletong kuwento. Bilang dagdag, maaari mong tuluyang balutin ang iyong sarili sa mga kuwento gamit ang walang ad na pagbabasa, makapag-save ng unlimited na mga kuwento offline, at mas marami pang iba, na nagbibigay ng mas malaking halaga sa iyong ibinayad. Kung kaya’t ang pagsu-subscribe ay ang mas pinipiling opsyon ng mga mambabasa na mahilig magpakasaya sa walang katapusang daloy ng nakaaaliw at de-kalidad na content, nang walang abala.
Kailan magiging available ang bagong Premium Picks sa aking subskripsyon? Paano ko malalaman kung kailan ito mag-e-expire?
Ang bagong Premium Picks ay magiging available sa unang araw ng bawat buwan, sa hating-gabi, EST. Sa oras na ito, ang Premium Picks ng nakaraang buwan ay mag-e-expire at magkakaroon muli ng paywall. Nagdagdag kami ng countdown timer sa screen ng Premium Picks upang mas madali para sa inyo na malaman ang natitirang oras para sa Premium Picks ng kasalukuyang buwan at mas masulit mo ang mga perk bilang isang subscriber. Inirerekomenda rin namin ang pag-on ng Notifications sa iyong Wattpad app upang maabisuhan kapag available na ang bagong Premium Picks at makakuha ng mga paalala na magbasa sa buwan na iyon.
Maaabisuhan ba ako kapag malapit nang mag-expire ang Premium Picks o kapag available na ang mga bagong kuwento?
Oo, kung pinili mong makatanggap ng mga notification, aabisuhan ka tungkol sa release ng bagong Premium Picks at mga paalala na basahin ang Picks ng kasalukuyang buwan. Para i-manage ang iyong notification settings, mangyaring i-enable ang mga notification sa Wattpad mula sa iyong device settings. Pagkatapos, bisitahin ang iyong profile sa Wattpad app, i-tap ang Settings icon sa itaas na kanang bahagi, pagkatapos ay ang Push & Notifications menu. I-toggle ang settings para sa Product & Community News, at Promotions & Events para manatiling updated.
Saan ko mahahanap ang Wattpad Originals na available para sa akin para sa Premium Picks ng buwan na ito?
Madaling makikita ng mga subscriber ang Premium Picks para sa kasalukuyang buwan at susunod na buwan sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang Library at pag-tap sa Premium Picks card sa itaas ng screen. Ang mga kuwento sa bawat buwan ay available din sa isang Reading List sa @WattpadOriginals profile.
Maaari ko bang ipagpatuloy ang pagbabasa ng Premium Picks pagkatapos nitong ma-expire?
Hindi. Ang Wattpad Originals na naka-feature sa Premium Picks ng bawat buwan ay available lamang na basahin nang libre para sa buwan na iyon. Kapag nag-expire na ito sa pagtatapos ng buwan, maaari mo patuloy na basahin ito sa iyong sariling pace sa pamamagitan ng pag-unlock sa natitirang bahagi ng kuwento gamit ang Coins o Premium+ unlock (kung ikaw ay isang Premium+ subscriber).
Paano pinipili ang Premium Picks para sa mga subscriber kada buwan?
Ang Premium Picks ay na-curate ng isang team ng mga eksperto sa pag-e-edit ng Wattpad, base sa mga kagutushan sa pagbabasa ng mga subscriber, nagte-trend at bestselling Wattpad Originals sa iba’t ibang genre. Nasasabik kaming matuto pa kung paano gagamitin ng mga subscriber ang feature na ito para mas maging personal pa ang pag-curate ng mga kuwento sa kagustuhan ng bawat subscriber.
Maaari ba akong magkaroon ng access sa Premiumn Picks sa aking libreng trial?
Oo, maaari mong i-access ang Premium Picks ng kasalukuyang buwan sa iyong libreng trial. Ang 7-araw na libreng trial ay kasalukuyang available sa Wattpad Premium, at para sa mga mambabasa sa iOS devices para sa Wattpad Premium+.
Anong mga lengguwahe available ang Premium Picks?
Ang Premium Picks ay kasalukuyang nagpi-feature ng Wattpad Originals sa Ingles. Kinikilala namin na hindi lahat ng aming mga subscriber ay nagbabasa ng mga kuwento sa Ingles at patuloy kaming nagsusumikap na palawakin ang koleksyon sa iba pang mga lengguwahe sa susunod na mga buwan.
Ano ang mangyayari kapag kinansela ko ang aking subskripsyon? Maaari ko pa rin bang basahin ang Wattpad Originals na aking sinimulan bilang isang subscriber?
Kapag kinansela mo ang iyong subskrispyon, maaari mong patuloy na i-enjoy ang mga benepisyo ng iyong subskripsyon hanggang sa mag-expire ito. Halimbawa, kung ang renewal date ng iyong subskripsyon ay Mayo 24, at nagkansela ka sa Mayo 12, mananatili ang iyong access sa mga benepisyo ng iyong subskripsyon hanggang Mayo 23. Kasama rito ang Wattpad Originals na naka-feature sa Premium Picks ng buwang iyon. Kapag nagtapos ang iyong subskripsyon, mawawalan ka ng access at maaaring ituloy ang pagbabasa ng Wattpad Originals sa pamamagitan ng pag-unlock sa mga ito gamit ang Coins.
Kailangan ko bang magbayad ng extra para magkaroon ng access sa Premium Picks?
Ang Premium Picks ay isang bagong feature na available sa mga subscriber ng Wattpad Premium at Premium+ sa parehong sulit na presyo na walang dagdag na gastos, at hindi kailangang i-unlock gamit ang Coins.
Paano ako makapagdaragdag ng Premium Pick sa aking Library?
I-tap ang Premium Picks banner sa iyong Library upang makita ang Premium Picks sa kasalukuyan at susunod na buwan. Sa Wattpad app, maaari mong i-tap ang +Library button upang idagdag ang mga kuwentong ito sa iyong Library. Sa web at mobile web, i-click ang kuwento upang bisitahn ang Story Details page, at i-click ang “+” icon sa tabi ng ““Simulan ang pagbabasa” na button, pagkatapos ay “Idagdag sa Aking Library”.
Sa anong mga device ko maaaring basahin ang Premium Picks?
Maaari mong basahin ang Premium Picks sa kahit na anong device na iyong kasalukuyang ginagamit upang i-access ang Wattpad, kabilang ang Wattpad app o browser sa isang smartphone o tablet, o gamit ang wattpad.com sa isang laptop/desktop computer.
Maaari ba akong humiling kung anong Wattpad Originals ang maaari kong makuha nang libre sa Premium Picks?
Dahil nasa maagang yugto pa lamang kami ng paglunsad ng feature na ito, sa kasalukuyan ay wala pang paraan upang humiling ng espesipikong Wattpad Originals na maisasali sa Premium Picks. Gayunpaman, palagi kaming naghahanap ng mga paraan upang mapagbuti ang aming mga offering at nasasabik kaming marinig ang iyong feedback tungkol sa mga kuwentong na-curate para sa iyo sa pamamagitan ng Feature Feedback section ng aming Help Center.
Paano kung nabasa ko na ang isang Original sa Premium Picks ng buwang ito, o hindi ko gusto ang mga opsyon?
Ang Premium Picks ay na-curate ng isang team ng mga eksperto sa pag-e-edit ng Wattpad, base sa mga kagutushan sa pagbabasa ng mga subscriber, nagte-trend at bestselling Wattpad Originals sa iba’t ibang genre—kabilang ang mga kuwentong talagang karapat-dapat na mabasang muli. Patuloy naming pagbubutihin ang feature na ito upang mas mapagbuti ang personalization na iyong makikita sa curation ng bawat buwan.
Ongoing ba o kompleto ang Wattpad Originals na mapi-feature sa Premium Picks?
Ang Premium Picks ay magsasama lamang ng kompletong Wattpad Originals upang masiguro na makukuha ng mga subscriber ang pinakamalaking halaga mula sa kanilang subscription plan. Alam namin na ang aming mga subscriber ay power-readers at nais naming marating ninyo ang dulo ng bawat de-kalidad na kuwento sa loob ng buwan ng curation nito.
Kung sinumulan ko ang aking subskripsyon sa gitna ng buwan, mayroon pa rin ba akong 30 araw para basahin ang kuwento?
Hindi, dahil ang Premium Picks ay nagre-refresh sa simula ng bawat buwan, kapag sinimulan mo ang iyong subskripsyon sa gitna ng buwan, ang nalalabing mga araw ng buwan na iyon na lamang ang mayroon ka upang ma-access nang libre ang mga kuwento para sa buwan na iyon. Makukuha mo ang buong buwan sa susunod na mga buwan.
Gusto rin naming marinig ang iyong feedback tungkol sa bagong feature na ito, kung mayroon kang ilang minuto mangyaring mag-click sa link na ito
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.