Skip to Content

Wattpad Originals - Frequently Asked Questions

Ano ang Wattpad Originals?

Ang Wattpad Originals ay isang diverse na koleksyon ng mga dekalidad na kuwento mula sa pinakamahusay na mga creator ng Wattpad, na nagbibigay sa mga mambabasa ng pagkakataon na magiliwan ang pinakamahusay na content at suportahan ang kanilang mga paboritong creator. Pinili ng aming mga eksperto sa larangan ng editing, siguradong mahahanap mo ang iyong susunod na paboritong babasahin. Maaari mong direktang suportahan ang mga manunulat sa pamamagitan ng pag-unlock ng Wattpad Originals gamit ang Coins o Wattpad Premium+ subscription, o maghintay upang ma-unlock nang libre ang ongoing na Originals (mas maraming detalye tungkol dito sa ibaba).

 

Ano ang pinagkaiba ng ongoing at kompletong Wattpad Originals?

Ang ongoing Wattpad Originals ay may regular na update schedule hanggang sa makompleto. Mayroon itong isa o higit pang mga parte na nailalathala kada linggo. Ang huling 10 parte lamang ng mga kuwentong ito ang may paywall sa kahit anong oras, ibig sabihin, sa tuwing may bagong nai-publish na parte, isa na namang parte ang magiging available nang libre. Sa mga ongoing na Originals, maaari mong iwasan ang paghihintay at i-unlock ang mas maraming parte gamit ang Coins o Premium+, o hintayin upang mabasa ang mas maraming parte kapag libre na ito. Ang mga ongoing na Originals ay kasalukuyang available sa Ingles.

Ang mga kompletong Wattpad Originals ay kasalukyang may fixed na paywall, ibig sabihin, maaari mo itong i-unlock gamit ang Coins o ang iyong Wattpad Premium+ subscription.

 

Paano ako makakapag-unlock ng Wattpad Originals?

Ang Wattpad Originals ay maaaring ma-unlock gamit ang Coins o gamit ang Wattpad Premium+ subscription. Ang coins at mga subskripsyon ay maaaring mabili sa Wattpad app, at maaaring mabayaran sa pamamagitan ng App Store o Google Play account. Sa oras na mabili mo ang Coins o makapag-subscribe, maaari mo nang i-unlock ang mga kuwento sa iyong Wattpad app o sa wattpad.com.

Ang ongoing Wattpad Originals ay mayroong paywall sa huling 10 parte lamang ng mga kuwento sa kahit anong oras. Sa tuwing may bagong nai-publish na parte, isa na namang parte ang magiging available nang libre. Sa mga ongoing na Originals, maaari mong iwasan ang paghihintay at i-unlock ang mas maraming parte gamit ang Coins o Premium+, o hintayin upang mabasa ang mas maraming parte kapag libre na ito. 

Tandaan na ang Wattpad Premium+ unlock ay makapagbibigay sa iyo ng access sa isang buong season lamang. Kung mayroong mga karagdagang season sa series, maaari mong gamitin ang iba mo pang Premium+ unlocks upang ma-access ang mga ito.  

I-click ito para sa buong detalye at para mabasa ang aming Mga Patakaran.

 

Saan ko makikita kapag may bagong mga parte ang magiging libre sa isang ongoing na Wattpad Original?

Maaari mong makita ang schedule ng paglabas ng mga ongoing Wattpad Original sa Detalye ng Kuwento, ang unang kabanata ng kuwento, o ang dulo ng huling libreng parte upang malaman kung kailan magiging libre ang susunod na parte.

Halimbawa, kung ang kuwento ang may mga bagong parte na nalathala tuwing Martes, maaari mong asahan ang isa pang parte na magiging libre tuwing Martes hanggang sa makompleto ang kuwento. Tandaan na ang pinakahuling 10 parte ng kuwento ay mananatiling may paywall.

 

Aming inirerekomenda ang pagdadag ng Wattpad Originals sa iyong Library at pag-on ng iyong notifications upang hindi mo makaligtaan ang iyong mga paboritong mundo at mga karakter. Upang i-manage ang iyong notification settings, bisitahin ang iyong Profile sa Wattpad app, i-tap ang Settings na icon sa itaas na kanang bahagi, kasunod ng Push Notifications menu. I-toggle ang settings para sa Story Updates in my Library para manatiling updated sa mga bagong kabanatabng lalabas para sa mga kuwentong minamahal mo.

 

Ang ilan bang Wattpad Originals ay mas maraming libreng parte kaysa sa iba?

Ang pagkalagay ng mga paywall sa Wattpad Originals ay maaaring may pagkakaiba. Ang mga kompletong kuwento ay kadalasang libre ang mga unang parte na nagbibigay pagkakataon sa mga mambabasa na masilip ang estilo ng pagsusulat, makilala ang mga karakter, at mapagdesisyonan kung ang kuwento ay pasok sa kanilang hinahanap bago magpatuloy sa pag-unlock ng mga parteng may paywall.

Ang mga Ongoing na kuwento ay maroong hindi bababa sa 10 pinakabagong parte na may paywall, at ang lahat ng naunang parte ay libre. Para sa Wattpad Originals na may maraming season (o kilala ring series), sa oras na may bagong season na nai-publish, ang naunang season ay maaaring maging libre o ang huling 10 parte nito ay manatiling may paywall.

Maaari mong piliin na i-unlock ang mga paywall na parte gamit ang Coins o ang iyong Wattpad Premium+ plan.

 

Maaari ko bang mabasa ang Wattpad Originals sa kahit anong device?

Maaari mong mabasa ang Wattpad Originals kung saan mo ginagamit ang Wattpad. Sa oras na ma-unlock mo ang mga parte ng Wattpad Original o mga kuwento, maaari mo nang mabasa ang mga ito gaya ng iba pang mga kuwento sa Wattpad.

 

Ayaw kong magbayad sa kuwentong hindi ako sigurado kung interesado ba ako. Paano ko malalaman kung gusto ko ang isang Wattpad Original?

Hindi mo kailangang magbayad agad. Ang lahat ng Wattpad Originals ay may ilang libreng kabanata na maaaring tingnan bago mo kakailanganing gumamit ng Coins o ng subskripsyon upang i-unlock ang iba pang bahagi nito.

 

Paano ako makabibili ng Coins?

Una, buksan ang Wattpad app sa iyong mobile device. I-tap ang Wallet sa iyong Profile at tingnan ang iyong kasalukuyang balanse, at load-an ang iyong account.

Upang bumili ng Coins, pumili ng Coin package at sundan ang mga hakbang na inilatag ng App Store o Google Play. Ang iyong Coin balance ay awtomatikong magiging updated kahit saan mo gamitin ang Wattpad.

Mayroong dalawang paraan upang suportahan mo ang iyong paboritong mga writer sa pamamagitan ng Wattpad Originals:

  1. Isang parte sa bawat pagkakataon

I-unlock ang bawat parte sa tuwing handa ka na. I-click lamang ang [I-unlock ang sunod na parte] na button upang mag-redeem ng Coins, at magpatuloy sa pagbabasa.

  1. Ang buong kuwento nang isahan

Ayaw mo bang mag-redeem ng mga Coin pagkatapos ng bawat chapter? I-redeem ang lahat nang sabay-sabay upang ma-unlock mo ang buong kuwento (kung kompleto). Magigiliwan mo ang walang putol na pagbabasa–at isang discount kompara sa pag-unlock nang paisa-isang parte sa kuwento!

Sa pag-unlock mo ng kuwento gamit ang Coins, ito ay mababawas sa iyong wallet, at agad kang magkakaroon ng access. Linisin ang iyong calendar!

 

Ilang Coins ang kailan upang ma-unlock ang isang parte?

Ang halaga ng isang parte ay kadalasang nakadepene sa average na bilang ng mga salita sa isang parte. Ang mga kuwentong mas mahaba ay kadalasang mas mataas ang halaga, samantalang ang mga kuwentong may maikling mga parte at kailangan ng mas mababang halaga para ma-unlock.

 

Bakit presyong U.S. ang nakikita ko para sa Coins sa labas ng U.S.?

Para sa maraming bansa, ang Coins ay tinutukoy gamit ang halaga ng Coins sa US. Ang halaga ay direktang naka-link sa US Coin packages, at ang mga lokal na halaga ay hindi available sa App Store o Google Play. Sa pagbili gamit ang USD, makikita mo ang purchase confrimation sa Wattpad app na naka-USD at naka-charge sa iyong lokal na salapi.

 

Paano ako makakapag-subscribe sa Wattpad Premium o Premium+?

Maari kang mag-subscribe sa Wattpad Premium o Premium+ mula sa Wattpad Android o iOS apps. Para mag-upgrade, i-tap lamang ang Subukan ang Premium button sa home screen, o piliin ito sa iyong Settings menu. Sa oras na mag-subscribe ka, ang iyong account ay awtomatikong maa-upgrade sa subskripsyon na iyong napili sa tuwing gagamitin mo ang Wattpad–kabilang sa app at sa web. Matuto nang higit pa tungkol sa aming subscription plans dito.

 

Paano pinipili ng Wattpad kung aling mga kuwento ang kasama sa Wattpad Originals?

Gamit ang ekspertong kaalaman sa pag-e-edit, pinipili namin ang mga malalakas, mahuhusay, at mga serialized na kuwento na kumakatawan sa inyong magkakaibang mga boses, genre, at estilo para sa Wattpad Originals. Ang bawat Wattpad Original ay kumakatawan sa isang sagaran, nakaeengganyo, at komersyal na narabito, at lahat sila ay pumapailalim sa isa sa aming natukoy na mga vertical, kung saan ang bawat isa ay nakatugma sa isang mambabasa at karanasan sa pagsusulat.

 

Paano ko maisasama ang aking kuwento sa mga ikinokonsidera para sa Wattpad Originals?

Ang Wattpad Originals ay kasalukuyang by-invite lamang. Ang komunidad ng Wattpad ay nagsisimula at nagtatapos sa mga manunulat nito at kami’y buong sumusuporta sa bawat yugto ng iyong paglalakbay. Mangyaring bisitahin ang aming Creators Portal para sa mga tool na makatutulong upang buoin ang iyong komunidad, mga mapapakinabangang tips sa pagsususulat, at para matuto tungkol sa mga programa na availlable para sa mga manunulat sa Wattpad.

 

Ang mga kuwento bang hindi kabilang sa Wattpad Originals ay maituturing na may mas mababang kalidad sapagakat ito ay libre?

Hindi. Ang bawat kuwento sa Wattpad ay may audience, gaya ng ang bawat mambabasa ay may personal na kagustuhan. Gumamit kami ng ekspertong kaalaman sa pag-e-edit, kapangyarihan ng data insights, at reader engagement upang piliin ang Wattpad Originals. Ang mga ito ay mga kuwentong alam namin na kahuhumalingan ng mga mambabasa

Ang mithiin ng Wattpad Originals ay ang mabigyan ang mga mambabasa ng mataas na kalidad ng nilalaman at matulungan ang mga manunulat na kumita mula sa kanilang akda sa Wattpad. Nakikipagtulungan kami sa iba’t ibang manunulat at mga kuwento na naglalarawan ng diversity at mga interes ng Wattpadders.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
19 sa 27 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.