Ang Wattpad ay isang malikhain at pandaigdigang komunidad na maaaring i-enjoy ng aming mga user. Mahalaga ang paggalang sa paniniwala ng komunidad, ngunit tandaan na mayroon kang karapatan at responsibilidad na tumulong sa pagpapatibay ng mga paniniwalang ito. Kung may makita kang post na may hangaring saktan ang miyembro ng ating komunidad, mangyaring i-report ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga panuto rito.
Ang pagpapahayag ng opinyon tungkol sa mga pampublikong pigura ay hindi isang paglabag sa aming mga patakaran. Para sa iba pang impormasyon sa pagbuo ng positibong paniniwala sa komunidad, mangyaring tingnan ito.
Kami ay may araw-araw na paninindigan sa mga alituntunin sa pag-uugali na ito.
Bumubuo kami ng pagtitiwala at integridad sa isa’t isa
Sa pamamagitan ng pag-iisip ng kabutihan ng iba, mas napagbubuti nito ang ating mga sarili.
- Ang Wattpad ay isang pandaigdigang komunidad na binubuo ng iba’t ibang opinyon at paniniwala. Ibig sabihin nito, inaasahan na ang lahat ay magiging magalang sa ibang mga user sa platform. Ang pagiging pasensyoso at mapag-unawa habang natututo gamit ang pananaw ng iba ay mahalaga sa kapangyarihan ng pagbabahagi ng kuwento. Humihingi tayo ng paumanhin kapag tayo ay nakagawa ng pagkakamali, at tayo ay natututo mula sa karanasan na ito.
- Naniniwala kami sa pagbuo ng tiwala sa pamamagitan ng ating mga salita, aksyon, at pag-uugali. Ang pagpapatibay ng integridad ay lumilikha ng isang espasyo para mailabas ang kahusayan sa atin, lalo na sa tuwing naglalatag tayo ng mga tulay sa kabila ng pagkakaiba sa mga opinyon at paniniwala.
- Kung hindi mo nagawang resolbahin ang isyu nang mag-isa, o kasama ang tulong ng Mute function, mangyaring i-report ang kahit anong mapang-abuso o hindi wastong pag-uugali rito.
Tayo ay nakitutungo sa isa’t isa nang may pakikiramay, malasakit, at paggalang.
Nangunguna sa pamamagitan ng halimbawa, gaya ng Empathy Project, bumubuo kami ng pagkakaintindihan sa pamamagitan ng aming mga gawa.
- Sa pamamagitan ng pagiging mahabagin sa isa’t isa, kami ay desidido na bumuo ng mga bagong avenue ng pakikiramay, pagmamalasakit, at paggalang sa iba sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kuwento.
- Ang mga nakabubuti o konstraktibong komento ay katanggap-tanggap, ngunit ito dapat ay ipinahahatid sa magalang na paraan. Maaaring makabasa ka ng nilalaman na hindi mo gusto o sinasang-ayunan, ngunit kami ay isang platform na ipinagdiriwang ang pagkakaiba, hinihikayat ang ekspresyon, at nagpapatibay ng isang ligtas at malikhain na kapaligiran.
- Habang nagtatrabaho para panatilihing ligtas ang ating komunidad, sinusubukan naming konsiderahin ang wika at konteksto.
- Para sa iba pang impormasyon tungkol sa paggalang sa iba, mangyaring tingnan ito.
Pinagtitibay namin ang komunidad sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga nakai-inspire na mga kuwento
Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kuwento, aming pinahahalagahan at pinalalakas ang natatanging mga kuwento ng lahat
- Nagbibigay kami ng mga oportunidad para mas umusbong pa ang mga manlilikha, pinatutupad namin ang pagbabago sa pamamagitan ng aming mga kuwento, at pinalalakas namin ang mga kuwentong nag-aangat sa iba.
- Sa Wattpad, nagagalak kaming suportahan ang pagyabong ng imahinasyon, at, bilang isang komunidad, ang pagdiriwang ng ekspresyon at pagpapasigla ng makahulugan na koneksyon sa mga nakapaligid sa amin ay ang dahilan kung bakit kami nananatili.
Kami ay nagpapahalaga at nagsasalita para sa mga marginalized na komunidad.
Nagbibigay kami ng mga oportunidad at patuloy na aksyon tungo sa mas inklusibong karanasan para sa mga user
- Bilang komunidad at organisasyon, aming aktibong sinusuri ang aming mga proseso, pag-uugali, at gawain para patuloy na mas maging inklusibo. Aming inaangat ang mga kuwento, binabantayan ang aming komunidad, binabago ang mga patakaran, at sumasali sa mga nakapagpapabagong mga usapin sa lahat ng antas nang ito ang nasa isip.
- Aming tinatanggap na ito ay isang nagpapatuloy na proseso at kami ay desidido na patuloy na palaganapin ang pagbabago tungo sa mas inklusibong Wattpad.
Ginagamit namin ang aming platform para protektahan ang kahinaan ng aming mga user at kanilang mga kuwento
Patuloy kaming gumagawa ng aksyon upang masiguro na ang kahinaan ng aming mga user ay hindi ginagawang kasangkapan
- May suporta ng mga tamang tao at tamang kagamitan, patuloy kaming nananalamin sa aming sarili bilang isang komunidad, at isang organisasyon. Aming iginagalang ang karapatang tao ng lahat ng nakitutungo sa at sa loob ng Wattpad. Sa pamamagitan ng aming mga patakaran, internal na mga grupo, at mga proseso, kami ay aktibong gumagawa ng aksyon sa pagpapanatili ng mga karapatang ito maging ang pagkilos at pagresponde sa mga hindi makatarungang mga insidente sa angkop na paraan.
- Nakatuon kami sa pagpapanatili sa aming komunidad na ligtas at nais naming siguraduhin na ang mga kuwentong ibinabahagi sa Wattpad ay hindi nakapagbibigay kontribusyon sa karahasan sa totoong mundo. Nais namin na matulungan kami ng komunidad para pigilan ang pagkalat ng nakamumuhi na mga ideya at grupo na nananakit ng iba.
- Mahalaga ang paggalang sa mga paniniwala ng komunidad, ngunit tandaan na mayroon kang karapatan at responsibilidad na tumulong sa pagpapatibay ng mga paniniwalang ito. Kung may makita kang post na may hangarin na saktan ang miyembro ng ating komunidad, mangyaring i-report ito.
Binibigyan namin ng pananagutan ang aming mga sarili sa kung gaano kahusay naming maipatutupad ang mga paninindigang ito, at amin ding hinihingi ang iyong paninindigan. Mangyaring tingnan mga hakbang na aming tinatahak sa ibaba upang maisabuhay ang Mga Alituntunin sa Pag-uugali, araw-araw sa Wattpad.
Pamantayan ng Komunidad
Mga Alituntunin sa Nilalaman ng Wattpad
Tuntunin ng Serbisyo ng Wattpad
Paano Isara ang Account ng aking Anak
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.