Skip to Content

Wattpad Ambassadors

Sino ang mga Wattpad Ambassador?

Ang mga Ambassador ay isang grupo ng mga Wattpad user na nagboluntaryo sa Wattpad upang suportahan ang komunidad. Tumutulong sila sa mga user, sa pag-aayos ng mga kuwento, sa pagpapatakbo ng mga inisyatibo ng komunidad at kung ano-ano pa! Ang mga Wattpad Ambassador ay maaari ding tumulong sa pagsagot ng mga katanungan tungkol sa Wattpad, kung paano gumagana ang Wattpad, at panatilihing up-to-date sa mga balita at update ang lahat. Kung nais mo pang matuto nang higit pa tungkol sa kanila, maaari kang makahanap ng iba pang impormasyon sa Ambassadors Profile.

Internasyonal na mga Wika

Ang mga Wattpad Ambassador ay sumasakop ng higit sa 70 mga wika kasama, ngunit hindi limitado sa mga sumusunod:

  • English
  • French
  • Spanish
  • Filipino
  • Portuguese
  • Turkish
  • Italian
  • German
  • Russian
  • Arabic

Ang iba pang mga wika ay matatagpuan dito.

Paano ko malalaman kung sino ang aktibong Wattpad Ambassador?

Lahat ng mga aktibong Wattpad Ambassador ay mayroong Wattpad Ambassador badge na makikita sa kanilang profile. Sa Wattpad, maaaring makakita ka ng simbolo an orange circle with a heart in the centre sa tabi ng ibang mga profile picture. Kapag nakita mo ang simbolong ito the amb badge ibig sabihin ay tinitignan mo ang profile ng isang Ambassador.

Saan ako maaaring humingi ng tulong mula sa isang Wattpad Ambassador?

Maaari mong itanong ang mga pangkaraniwang katanungan tungkol sa Wattpad sa opisyal na Ambassadors page. Mangyaring pakatandaan na ang mga Wattpad Ambassador ay hindi naglulutas ng mga problema para sa mga user, ngunit maaaring tumulong sa pagdirekta sa mga user ng tamang lugar para maresolba ang isang issue.

Paano ako magiging isang Wattpad Ambassador?

Kung sa tingin mo ay mayroon kang kakayahan upang maging isang Wattpad Ambassador, siguraduhing basahin ang impormasyon sa Ambassadors profile upang malaman kung ikaw ay eligible para magpasa ng application upang makasali sa team. Kung pakiramdam mo ay kaya mo ang mga gawain at kwalipikado ka, mangyaring sagutan ang submission form na matatagpuan sa link sa profile. Ang pagpapasa ay nagbubukas at nagsasara sa iba’t ibang oras ng taon, kung kaya’t i-follow ang Ambassador profile upang mabalitaan ang tungkol sa kasalukuyang pagpapasa. Dahil nakatatanggap kami ng napakaraming application, kokontakin lamang ang mga sa tingin namin ay kayang gampanan ang papel na ito.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
365 sa 406 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.