Skip to Content

Mga Alituntunin sa Nilalaman

Sa Wattpad, ginawa naming libre ang mga kuwento sa layuning makabuo kami ng isang ligtas at komportableng lugar para sa lahat, upang dumiskubre at lumikha.

Upang makabuo ng isang inklusibo at puno ng paggalang na lugar, nais naming masigurong alam ng mga Wattpader kung anong klase ng content ang kanilang madidiskubre, gayundin, ang mga content na maaari at hindi maaaring i-post! 

Bago ka magsimula sa iyong paglalakbay sa pagsusulat, mangyaring tingnan ang mga sumusunod na patnubay:

  • Mahalaga ang pagbibigay ng respeto at proteksyon sa nararamdaman, pagmamay-aari, at personal na impormasyon ng ating mga kapwa Wattpader.
  • Hindi dapat mag-post ng anumang maaari mong pagsisihan sa hinaharap, o iyong hindi mo gugustuhing makita ng iyong mga kaibigan, kapamilya o mga guro online.
  • Basahin ang aming Content Guidelines, Code of Conduct, Terms of Service, at ang aming Privacy Policy upang malaman ang lahat ng impormasyong kailangan mo upang ma-enjoy ang Wattpad at tulungan ang iba na ma-enjoy rin ito!

Kung makakita ka ng mga content na lumalabas sa aming mga patnubay, ipag-bigay alam sa amin ito sa pamamagitan ng pagre-report dito. Tingnan ito kung paano gawin iyon.

Upang matuto nang higit pa tungkol sa Copyright, tingnan ang aming Copyright FAQ.

 

Paglalagay ng Rating sa Iyong Kuwento

Ang lahat ng manunulat ay inaasahang i-rate ang kanilang mga kuwento bilang Mature, o Para sa Lahat, alinsunod sa mga patnubay na nakasaad sa ibaba. Kung makakita ka ng kuwentong hindi nai-rate nang tama, maaari mong ipag-bigay alam sa amin ito sa pamamagitan ng pagre-report nito (tingnan ang aming guide dito). Pakatandaan na babaguhin namin ang iyong rating kung ito ay hindi sumusunod sa aming mga patnubay.

 

Rating na Mature

Ang pagmamarka ng iyong kuwento bilang Mature ay hindi nangangahulugang maaari itong magkaroon ng ipinagbabawal na content. Ang mga kuwentong naglalaman ng ipinagbabawal na content ay tatanggalin anuman ang rating nito.

Ang mga mature na kuwento ay nakalaan sa mga mambababasang 17 taong gulang pataas. Mayroong mga limitasyon sa pagdiskubre ng mga Mature na kuwento sa Wattpad na maaaring makatulong sa pagsisigurong naaabot lamang nito ang mga nararapat na mambabasa. Ang isang kuwento ay maaaring i-rate na Mature kung ito ay naglalaman ng kahit ano sa sumusunod:

  • Mga detalyadong eksena tungkol sa sex
  • Mga tema o eksena tungkol sa self-harm (kabilang ang suicide at eating disorders)
  • Mga graphic o malinaw na paglalarawan ng karahasan; kabilang ngunit hindi limitado sa: sekswal, verbal, emosyonal at pisikal na pang-aabuso.

Kung sa tingin mo ay sumusunod ang iyong kuwento sa aming mga patnubay, ngunit maaaring magkaroon ng mga bahaging hindi angkop sa mga nakababatang mambabasa, mangyaring i-rate ang iyong kuwento bilang Mature.

 

Ano ang Tinatanggal Namin

Ang mga sumusunod ay hindi pinapayagan sa Wattpad. Hindi ito kumpletong listahan, at may karapatan kaming tanggalin ang anumang content na hindi naaangkop sa lahat. Ang anumang content na maaaring makapagdulot ng panganib sa komunidad ay tatanggalin. Ang Wattpad ay may karapatang magsara ng anumang account o magtanggal ng content nang walang abiso.

 

Sexual Content sa Wattpad

  • Content na Pornograpiko. Itinuturing ng Wattpad na pornograpiko ang content kung ang layunin lamang nito ay sexual stimulation.
  • Age of Consent. Ang age of consent sa Wattpad ay 16+. Ang anumang sekswal na content sa pagitan ng mga karakter ay dapat sumunod sa age of consent na ito at hindi lumalabag sa Canadian Law.
  • Gloripikasyon ng Karahasang Sekwal. Ang mga non-consensual acts sa Wattpad ay ang mga sumusunod: rape, sexual assault, kidnapping na may layuning sekswal, o sexual slavery. Ang content ay hindi dapat  nanghihimok at nagsusulong ng mga non-consensual sex acts.
  • Sexual Roleplay o Messaging. Hindi pinahihintulutan ng Wattpad ang mensahe o solisitasyong sekswal. Kabilang dito ang pag-post ng mga content na nanghihikayat ng mga pribadong mensaheng sekswal, sa Wattpad o iba, o pagpo-post ng mga patakarang may kinalaman sa pampubliko o pribadong roleplay na may layuning pang-sekswal.
  • Mga Illegal na Sex Acts. Alinsunod sa Canadian Law, tahasang ipinagbabawal ng Wattpad ang anumang nilalaman na naglalarawan ng mga ilegal na gawaing pakikipagtalik kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, bestiality, necrophilia, incest o child sexual exploitation at abuse material. Aalisin ang naturang nilalaman.

 

Media sa Wattpad

Kabilang sa media sa Wattpad ang mga imahe, video, gifs at sound clips. Upang mapanatili ang Wattpad bilang isang ligtas na lugar para sa paglikha at pagdiskubre, maaari naming tanggaling ang mga imaheng hindi sumusunod sa aming Content Guidelines. Ang mga sumusunod na Media ay hindi pinapayagan sa Wattpad, at kailangang tanggalin:

  • Media na naglalaman ng buong pagkakalantad ng anumang pribadong bahagi ng katawan, katulad ng genitalia, dibdib, at puwet.
  • Media na nagpapakita ng pakikipagtalik, o anumang sekswal na aktibidad, kita man o hindi ang pribadong bahagi ng katawan.
  • Media na nagpapakita ng self-harm o suicide.
  • Mga imahe ng mga tao nang walang pahintulot, maliban sa mga public figure at celebrities.
  • Anumang iba pang media na itinuturing ng Wattpad na hindi angkop sa aming sariling pagpapasya.
  • Mga imahe ng mga racist na simbolo o pigura. 

Kung nakita mo ang sumusunod na tagapagpahiwatig Banned_Content_Indicator.png sa isa sa iyong mga na-upload na imahe, ito ay nangangahulugang ang imahe ay maaaring lumalabag sa isa sa ating mga Content Guidelines at hindi maa-access ng iyong mga mambabasa sa Wattpad.

Kung nais mo ng karagdagang impormasyon tungkol sa pag-moderate ng mga imahe, mangyaring tingnan ang aming Help Centre Article dito.

May karapatan ang Wattpad na alisin ang anumang media na itinuturing na hindi karapat-dapat dito.

 

Self-Harm sa Wattpad

Kung ikaw ay nakipaglalaban sa eating disorders, addiction, self-harm, pag-iisip tungkol sa suicide, o may iba pang pinagdaraanan, nais naming malaman mong hindi ka nag-iisa.

Narito ang listahan ng mga global helpline, dahil mahalagang makapagbahagi ng iyong saloobin sa tuwing ikaw ay nalulumbay: Counseling and Prevention Resources

Pakatandaan na ang pagbabasa tungkol sa self-harm at suicide ay maaaring makapagpalungkot o makapag-trigger. Kaya nais naming ipaalala sa iyo na:

  • Ang content na nanghihikayat o nagtuturo ng tungkol sa self-harm ay tatanggalin.
  • Ang content na naglalaman ng maraming paglalarawan ay maaaring i-rate na Mature, at ang mga kuwentong nag-go-glorify o hindi "nagkukuwento" ay maaaring tanggalin. Ang "pagkukuwento" ay nangangahulugang ang akda ay dapat mayroong plot na walang kinalaman sa mga eksena tungkol sa self-harm, o nagpapakita ng paglago at pag-unlad ng mga karakter.
  • Hinihikayat namin ang pagkakaroon ng isang maayos na diskusyon tunkol sa mga isyung ito, kung kaya’t ang mga content tungkol sa recovery, survival o paglalarawan ng mga negatibong kahihinatnan ng self-harm ay katanggap-tanggap sa Wattpad.

 

Karahasan

Maraming uri ng karahasan ang nakasasama sa ating komunidad. Tatanggalin namin ang anumang content o account na inilaan upang mambigla o manakit sa sinuman sa ating komunidad.

 

Hate Groups/Extremist Content

Layunin namin sa Wattpad na panatiliing ligtas ang ating komunidad. Pinahahalagahan namin ang pagkakaiba-iba at ang kanya-kanyang uri ng pagkukuwento, kaya tinitiyak naming ang mga kuwentong makikita sa Wattpad ay hindi nag-aambag ng anumang pinsala sa totoong mundo. Ang mga sumusunod na patnubay ay binuo upang mapanatili ang isang positibong komunidad. Sa Wattpad, hindi ka pinapayagan na gumawa ng pisikal na pagbabanta ng karahasan o pagbabanta ng kamatayan sa sinumang indibidwal o grupo ng mga tao. Hindi namin pahihintulutan ang mga kuwento o indibidwal na nag-go-glorify, pumupuri at nag-ro-romanticize ng mga kasalukuyang real life violent hate groups, figures, o extremist organization na may marahas o nakapopoot na hangarin. Kabilang dito ang:

  • Mga pangkat na nagpapahayag ng isang marahas na misyon.
  • Mga inorganisang hate groups.
  • Aktibidad ng mga terorista.
  • Single event mass shooters/murderers.

 

Pag-uusap Tungkol sa Iba

Ang pagbabahagi ng opinyon tungkol sa mga kuwento at sa kalidad o istilo ng pagsusulat ay ayos lamang. Nilalayon naming lumikha ng isang ligtas na komunidad para sa lahat sa Wattpad, kaya’t maging mabuti, magalang at mangyaring pakitunguhan ang iba sa paraang nais mong tratuhin ka, kaya’t huwag mag-post ng anumang content na:

  • Nam-ba-bash sa isang user sa personal na kadahilanan.
  • Nagpapakita ng ng mga personal na pagkakakilanlan ng ibang tao, kasama na ang mga pribadong mensahe, litrato/videos. Dahil kathang-isip lamang ang nature ng mga kuwento at may pagkakataong nagagamit ang mga tunay na pangalan nang hindi sinasadya, hindi namin matatanggal ang isang akdang may pangalan ng karakter na gaya ng sa isang totoong tao. Kung mayroon lamang karagdagan pang impormasyon ng pagkakakilanlan, gaya ng siyudad kung saan ka nakatira o kung saan ang iyong pinagtatrabahuan/eskwelahan, mayroon itong paglabag sa aming content guidelines.
  • Aktibong pagtataguyod ng karahasan o pagkapoot. Ang pagtataguyod ng pagkapoot batay sa lahi, etnisidad, relihiyon, kapansanan, kasarian, edad, o oryentasyong sekswal, o content na inilaan upang mang-api, magbanta o mang-harass ng iba, ay mahigpit ding ipinagbabawal. Pinapayagan ang mga pangkalahatang pagpapahayag ng mga opinyon, ngunit hindi sila maaaring maging marahas o manghikayat na atakihin ang iba pang mga miyembro ng ating komunidad sa Wattpad.

 

Spam

Anumang content na nag-aalok ng mga produkto o serbisyong walang kinalaman, o hindi pinahintulutan ng Wattpad ay ipinagbabawal at tatanggalin.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
23628 sa 24992 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.