Skip to Content

Pag-post o pagbura ng komento sa kuwento

Kung nais mong ibahagi ang iyong opinyon tungkol sa isang partikular na bahagi ng kuwento sa ibang mga mambabasa o sa manunulat, maaari kang mag-iwan ng komento. Ito ang usa sa ilang nakae-excite na features ng Wattpad kung saan maaari kang kumonekta sa mga mambabasa at manunulat tungkol sa mga kuwentong mahal mo!

Ang bawat komento ay may sukdulan na 2000 karakter at walang limitasyon sa bilang ng mga komentong maaari mong gawin.

Mayroong dalawang uri ng komento:

  • Regular na komento - makikita sa dulong bahagi ng kuwento.
  • Inline na komento - makikita sa text ng kuwento.

Maari mo ring burahin ang komentong iyong iniwan, maging ang mga komentong iniwan ng iba sa kuwentong iyong isinulat anumang oras. Ang mga inline na komento ay makikita rin sa dulong bahagi ng kuwento.

Pumili ng platform para sa iba pang detalye.

Sa iOS 

Inline na Komento:

  1. Magbukas ng parte ng kuwento
  2. I-highlight ang salita o parirala sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong daliri sa ibabaw ng salita at pag-adjust sa kung ano ang naka-highlight ng bughaw na selector lines.
  3. I-tap ang Comment.
  4. I-tap ang Write a Comment at simulang mag-type.
  5. I-tap ang Post.

Regular na Komento:

  1. Magbukas ng bahagi ng kuwento
  2. Mag-scroll hanggang sa ibabang bahagi
  3. I-tap ang comment bubble sa ibabang menu bar.
  4. I-tap ang ‘Write a Comment’ at simulang mag-type.
  5. I-tap ang Post.

Pagbura ng komento:

  1. I-long press ang komento
  2. I-tap ang delete

Sa Android 

Inline na Komento:

  1. Magbukas ng parte ng kuwento
  2. I-highlight ang salita o parirala sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong daliri sa ibabaw ng salita at pag-adjust sa kung ano ang naka-highlight ng teal selector arrows.
  3. I-tap ang comment bubble sa itaas na kanang bahagi.
  4. I-tap ang Post a Comment at simulang mag-type.
  5. I-tap ang arrow icon para mag-post

 Regular na Komento:

  1. Magbukas ng parte ng kuwento
  2. Mag-scroll hanggang sa ibabang bahagi
  3. I-tap ang comment bubble sa ibabang menu bar.
  4. I-tap ang Post a Comment at simulang mag-type.
  5. I-tap ang arrow icon para mag-post

Pagbura ng komento:

  1. I-long press ang komento
  2. Piliin ang Delete.
  3. I-tap ang oo.

Sa Web 

Inline na Komento:

  1. Magbukas ng kuwento.
  2. Mag-hover sa isang talata.
  3. I-click ang comment bubble na makikita sa itaas na kanang bahagi.
  4. I-click ang Mag-iwan ng komento at simulang mag-type.
  5. I-click ang I-post.

Regular na Komento:

  1. Magbukas ng kuwento.
  2. Mag-scroll sa dulo ng bahagi ng kuwento.
  3. I-click ang Mag-iwan ng komento at simulang mag-type.
  4. I-click ang I-post.

Pagbura ng komento:

  1. I-click ang tatlong tuldok sa itaas na kanang bahagi ng komento. 
  2. Piliin ang Burahin ang Komento.
Nakakatulong ba ang artikulong ito?
41 sa 116 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.