Skip to Content

Paggamit ng Wattpad Story Widget

Ang Wattpad story widget ay nagbibigay pahintulot sa iyo na magbahagi ng mga kuwento sa iyong blog at iba pang mga website sa mas madaling paraan sa pamamagitan ng pag-embed ng unang parte ng kuwento. Ang malinis at simpleng disenyo ng widget ay hinahayaan ang mga user na makakuha ng snapshot ng kuwento bago sila magsimulang basahin ito.

Ito ay magagamit lamang sa web.

Upang i-access ang story widget, sundan ang mga hakbang na ito:

  1. I-click ang button sa kanang bahagi ng story description.
  2. Pindutin ang Embed Story. Upang ma-embed ang story widget, pindutin lamang ang code mula sa Embed bar o mula sa ilalim ng Widget Preview window, at kopyahin-at-i-paste ito sa content ng iyong blog o website. Ang widget ay pinakamainam na gamitin sa mga modernong browser tulad ng Chrome at Firefox.
  3. Subukan ito sa isa sa iyong mga kuwento at ipakalat ang balita!

Ang main screen sa widget ay nagpapakita ng lahat ng importanteng impormasyong tungkol sa kuwento na naka-embed: pamagat, pabalat, may-akda, mga basa, mga boto, mga komento, genre, at mga tag. Kapag pinindot mo ang arrow sa kanang bahagi ng widget, ang screen ay gagalaw upang ipakita ang story description at text mula sa unang parte.

Maaari ka ring magbahagi o mag-promote ng kahit na anong kuwento sa iba’t ibang mga platform.

Dahil hindi pinahihintulutan ng Wordpress ang mga iframe na embed, kailangan mong gumamit ng plugin. Ang mga premium na Wordpress account ang maaaring makapaglagay ng plugin.

Sa Tumblr, kopyahin at i-paste ang embed code sa ilalim ng video icon.

Kung ikaw ay nagkakaroon ng problema sa pag-embed ng isang kuwento, ipagbigay-alam ito sa amin sa pamamagitan ng pag-click sa Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin sa ilalim ng pahinang ito upang makapagsumite ng ticket.



Nakakatulong ba ang artikulong ito?
89 sa 119 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.