Skip to Content

Mga setting sa pagbabasa

Maraming mga paraan upang mas mapaganda ang iyong karanasan sa pagbabasa sa Wattpad. Mangyaring pakatandaan na ang mga pagbabagong ito ay maaari lamang magawa sa iOS at Android app na bersyon ng Wattpad.

Ito ang ilan sa mga pagpipilian:

  • Kulay ng background (night mode) at kulay ng font ng reading page
  • Katingkaran ng screen
  • Sukat ng font
  • Pagpili ng font
  • Iba pang mga Setting: orientation lock, reading mode, atbp.

Kung nais mong gumawa ng mga pagbabago sa settings ng iyong lengguwahe, mangyaring tingnan ang: Pagbabago ng Lengguwahe

Upang magamit ang Dark Mode sa pagbabasa, piliin ang iyong platform sa ibaba. Para sa Dark Mode settings sa ibang bahagi ng app, mangyaring tingnan ang artikulong ito.

Mangyaring piliin ang iyong device sa ibaba


iOS

Upang magtungo sa iyong mga setting sa pagbabasa:

  1. Magbukas ng kuwento
  2. I-tap ang gitna ng screen
  3. I-tap ang Aa sa itaas na kanang bahagi

Kulay ng Background at Font: Maaari kang pumili mula sa tatlong pagpipilian sa pamamagitan ng pag-tap sa tatlong may kulay na kahon.

  • itim na text sa puting background (default)
  • puting text sa itim na background (night mode)
  • itim na text sa sepia na background

Katingkaran ng Screen:

Gamitin ang sliding bar upang baguhin ang katingkaran ng pahina.

Sukat ng Font:

I-tap ang Aa- o Aa+ upang baguhin ang sukat ng font

Istilo ng Font:

I-tap ang ‘Serif’ na kahon upang buksan ang menu ng mga istilo ng font.

Iba pang mga Setting:

  • Orientation Lock
  • Inline na Komento: ipakita o itago
  • Reading Mode: Scrolling (i-swipe pataas at pababa) o Paging (i-swipe pakaliwa o pakanan)
  • Auto-Scrolling
  • Sliding bar para sa Auto-Scrolling: ang pagong ay mabagal, ang kuneho ay mabilis

Android

Upang magtungo sa iyong mga setting sa pagbabasa:

  1. Magbukas ng kuwento
  2. I-tap ang gitna ng screen
  3. I-tap ang Aa sa itaas na kanang bahagi

Kulay ng Background at Font: Maaari kang pumili sa tatlong pagpipilian sa pamamagitan ng pag-tap sa tatlong may kulay na kahon.

  • itim na text sa puting background (default)
  • puting text sa itim na background (night mode)
  • itim na text sa sepia na background

Katingkaran ng Screen:

Gamitin ang sliding bar upang baguhin ang katingkaran ng pahina.

Sukat ng Font:

I-tap ang Aa- o Aa+ upang baguhin ang sukat ng font

Istilo ng Font:

I-tap ang ‘Serif’ na kahon upang buksan ang menu ng mga istilo ng font.

Iba pang mga Setting:

  • Screen Orientation: Auto, Portrait, o Landscape
  • Inline na Komento: ipakita o itago
  • Status Bar: ipakita o itago
  • Volume Key Navigation: Ilipat ang mga pahina at mag-scroll gamit ang mga volume key
  • Reading Mode: Scrolling (i-swipe pataas at pababa) o Paging (i-swipe pakaliwa o pakanan)
  • Gamitin ang katingkaran ng device: I-uncheck upang mabago ang katingkaran sa mismong reader

Web (Computer or Mobile Browser)

Ang mga feature na ito ay hindi magagamit sa web.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
534 sa 1215 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.