Skip to Content

Paglikha ng kuwento

Maaari mong ibahagi ang iyong kuwento sa mundo kahit saan, at kahit anong oras sa Wattpad! Narito ang ilang mga simpleng hakbang kung paano magsimula ng kuwento at i-save ito, online ka man o offline.

Mangyaring pakatandaan na, sa kasalukuyan, hindi posibleng mag-upload ng pdf o ppt na mga file sa Wattpad.

Mag-click ng platform upang malaman kung paano ka makapagsisimula sa pagsusulat ng iyong kuwento.

Sa iOS 

  1. I-tap ang Create button sa ibabang navigation bar
  2. Piliin ang Create New Story
  3. Punan ang impormasyon ng kuwento (maglagay ng pabalat, pamagat ng kuwento, deskripsyon) o pindutin ang Skip

Dadalhin ka sa editing page kung saan maaari mong lagyan ng pamagat ang parte ng kuwento at simulan ang pagsusulat.

Maaari ka ring maglagay ng mga larawan o video; siguraduhing tingnan ang aming gabay sa Paglalagay ng media sa iyong kuwento.

Sa oras na matapos ka na sa pagsusulat at nalagyan na ng pamagat ang parte ng iyong kuwento, mayroon kang mga sumusunod na opsyon:

  • Ilathala ang parte
    • Pindutin ang Publish
    • Maglagay ng pamagat at pumili ng kategorya
    • Pindutin ang Publish
  • I-save ang parte bilang draft
    • I-tap ang Part 1
    • Piliin ang Save as draft
  • I-preview ang parte
    • I-tap ang Part 1
    • Piliin ang Preview

Mangyaring pakatandaan: Kapag inilathala mo ang parte ng iyong kuwento, makikita na ito sa iyong profile.

Maaari kang bumalik para magdagdag o baguhin ang alinman sa parte ng iyong kuwento anumang oras. Narito ang ilang mga link na makatutulong sa iyo:

Paglalagay ng parte sa kuwento

Pag-edit ng parte ng kuwento

Paglathala ng parte ng kuwento 

Sa Android 

  1. I-tap ang Create button sa ibabang navigation bar
  2. Piliin ang Create New Story
  3. Punan ang impormasyon ng kuwento (maglagay ng pabalat, pamagat ng kuwento, deskripsyon) o pindutin ang Skip

Dadalhin ka sa editing page kung saan maaaring mong lagyan ng pamagat ang parte ng kuwento at simulan ang pagsusulat.

Maaari ka ring maglagay ng mga larawan o video; tingnan ang aming gabay sa Paglalagay ng Media.

Sa oras na matapos ka na sa pagsusulat at nalagyan na ng pamagat ang parte ng iyong kuwento, mayroon kang mga sumusunod na opsyon:

  • Ilathala ang parte
    • Pindutin ang Publish
    • Maglagay ng pamagat at pumili ng kategorya
    • Pindutin ang Publish
  • I-save ang parte
    • I-tap ang More options button sa itaas na kanang bahagi
    • Piliin ang Save
  • I-preview ang parte
    • I-tap ang More options button sa itaas na kanang bahagi
    • Piliin ang Preview

Mangyaring pakatandaan: Kapag inilathala mo ang parte ng iyong kuwento, makikita na ito sa iyong profile.

Maaari kang bumalik para magdagdag o baguhin ang alinman sa parte ng iyong kuwento anumang oras. Narito ang ilang mga link na makatutulong sa iyo:

Paglalagay ng parte sa kuwento

Pag-edit ng parte ng kuwento

Paglathala ng parte ng kuwento 

Sa Desktop Web 

  1. I-click ang Sumulat sa itaas na navigation bar 
  2. I-click ang Gumawa ng bagong storya
  3. Maglagay ng pamagat at pumili ng kategorya (ang ibang mga detalye ay opsyonal)
  4. I-click ang  Save sa itaas na kanang bahagi
  5. Sa pag-refresh ng page, i-click ang Untitled Part 1 (sa ilalim ng Table of Contents)

Maaari mo nang bigyan ng pamagat ang parte ng iyong kuwento at simulan ang pagsusulat. Maaari ka ring maglagay ng mga larawan o video; tingnan ang aming gabay sa Paglalagay ng Media.

Sa oras na matapos ka na sa pagsusulat at nalagyan na ng pamagat ang parte ng iyong kuwento, mayroon kang mga sumusunod na opsyon:

  • I-save at i-preview ang parte
    • I-click ang Save o Preview
  • Ilathalat ang parte
    • I-click ang I-Publish
    • Maglagay ng pabalat (opsyonal) at i-click ang Next
    • Mag-type ng deskripsyon (opsyonal) at i-click ang I-Publish
    • I-click ang View and share your story at makikita mo na ang bagong parte ng iyong kuwento kung paano ito makikita ng iyong mababasa

Mangyaring pakatandaan: Kapag inilathala mo ang parte ng iyong kuwento, makikita na ito sa iyong profile.

Maaari kang bumalik para magdagdag o baguhin ang alinman sa parte ng iyong kuwento anumang oras. Narito ang ilang mga link na makatutulong sa iyo:

Paglalagay ng parte sa kuwento

Pag-edit ng parte ng kuwento

Paglathala ng parte ng kuwento 


Pag-troubleshoot

Kung nahihirapan kang maglathala ng mga parte o parte ng iyong kuwento, ito marahil ay dahil hindi verified ang iyong account. Mangyaring tingnan ang aming gabay sa pag-verify para sa iba pang detalye: Pag-verify ng iyong email o account

Kung ikaw ay verified, mangyaring basahin ang aming artikulo sa pag-troubleshoot sa website at pag-troubleshoot ng mga isyu sa mga app.

 

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
1201 sa 1880 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.