Pagkatapos mong isulat ang isang parte ng iyong kuwento, maaari mo na itong ilathala sa iyong profile at ibahagi sa lahat! Nakapubliko ang mga nakalathalang bahagi ng kuwento na hinahayaan kang makatanggap ng feedback mula sa mga mambabasa tungkol sa iyong post.
Sa iOS
Ang paisa-isang paglathala ng parte ng kuwento:
- I-tap ang Create button sa ibabang navigation bar
- Pumunta sa parte ng kuwentong nais mong ilathala
- I-tap ang Publish sa itaas na kanang bahagi
Maraming bahagi agad:
- I-tap ang Create button sa ibabang navigation bar
- Magpunta sa kuwento
- I-tap ang Settings sa tabi ng Table of Contents
- Piliin ang lahat ng parte na nais mong ilathala
- I-tap ang Publish sa ibabang kanang bahagi
Ang (mga) parte ng iyong kuwento ay makikita na sa iyong profile. Anumang mga draft na mayroon ang iyong kuwento ay hindi makikita ng iba.
Sa Android
Ang paisa-isang paglathala ng parte ng kuwento:
- I-tap ang Create button sa ibabang navigation bar
- Magpunta sa kuwento
- Mag-scroll sa Table of Contents
- I-tap ang More options button sa tabi ng parte ng kuwento
- Piliin ang Publish
Maraming bahagi agad:
Kasalukuyang walang feature sa Android app para maglathala agad ng maraming parte.
Ang (mga) parte ng iyong kuwento ay makikita na sa iyong profile. Anumang mga draft na mayroon ang iyong kuwento ay hindi makikita ng iba.
Sa Desktop Web
Ang paisa-isang paglathala ng parte ng kuwento:
- I-click ang Sumulat sa itaas na menu bar
- Pumunta sa Ang Aking mga Kuwento
- Pumunta sa iyong kuwento
- Pumunta sa parte ng kuwento
- I-click ang I-Publish sa itaas na kanang bahagi
Maraming bahagi agad:
Kasalukuyang walang feature sa Desktop web para maglathala agad ng maraming parte.
Ang (mga) parte ng iyong kuwento ay makikita na sa iyong profile. Anumang mga draft na mayroon ang iyong kuwento ay hindi makikita ng iba.
Ngayong nailathala mo na ang iyong kuwento, oras na upang ibahagi ito sa iba! Tingnan ang Pag-promote ng iyong kuwento para sa mga tip kung paano i-promote ang iyong kuwento at makabuo ng iyong audience.
Pag-troubleshoot
Kung nakararanas ka ng problema sa paglathala ng parte o mga parte ng iyong kuwento, ito marahil ay dahil sa hindi ka verified. Mangyaring tingnan ang aming gabay kung paano mag-verify para sa iba pang detalye: Pag-verify ng iyong email o account
Kailangan mo ring mamili ng pamagat, genre, at mga tag bago ka maglathala.
Kung ikaw ay verified at nalagyan na ang lahat ng mga field ngunit nakararanas pa rin ng problema, mangyaring basahin ang aming artikulo sa pag-troubleshoot ng mga isyu sa website at pag-troubleshoot ng mga isyu sa mga app.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.