Ang deskripsyon ng kuwento ay isang mahusay na paraan para mabasa nang mabilisan ng mga user kung tungkol saan ang iyong kuwento at para makapagdesisyon sila kung nais nilang basahin ang iyong kuwento. Inirerekomenda namin ang paglalagay ng isang nakaaagaw-pansin na deskripsyon sa iyong kuwento upang mabuo ang iyong audience, dahil ang mga kuwentong may deskripsyon ay nakakukuha ng 100x na higit na mga basa kaysa sa mga wala!
Ang mga deskripsyon ay may limitasyon na 2000 mga karakter, kaya kapag ikaw ay lumagpas sa limitasyong ito, maaaring hindi ma-save ang deskripsyon. Hindi rin namin pinahihintulutan ang mga external link sa deskripsyon ng kuwento upang mapanatiling ligtas ang ating komunidad, kung kaya’t ang iyong deskripsyon ay maaaring hindi ma-save nang maayos kung ikaw ay naglagay ng link, at tatanggalin ang pamagat ng kuwento.
Mag-click ng platform upang tumuklas ng higit pa.
Sa iOS at Android
- I-tap ang Create button sa ibabang navigation bar
- Magpunta sa iyong kuwento
- I-tap ang Description
- I-type ang iyong deskripsyon, pagkatapos ay i-tap ang Save
Sa Desktop Web
- I-click ang Sumulat sa itaas na navigation bar
- I-click ang Ang Aking Mga Kuwento
- Magpunta sa pahinang Detalye ng Storya ng iyong kuwento
- I-type ang iyong deskripsyon sa Deskripsyon box
- I-tap ang Save sa itaas na kanang bahagi kapag ikaw ay tapos na
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.