Skip to Content

Paggawa ng pabalat gamit ang Desygner o Canva

Sige, husgahan ang libro base sa pabalat nito! Gamit ang Desygner o Canva, maaari kang gumawa ng kasiya-siya, at nakaaagaw-pansin na mga pabalat upang maakit ang mga mambabasa sa iyong kuwento, pareho sa web at sa app.

Kung ikaw ang gumagawa ng pabalat sa app, ang gagamitin mo ay Desygner. Upang matuto nang higit pa tungkol sa kung anong maihahandog ng Desygner, tumungo sa kanilang page dito! Siguraduhing ikaw ay mayroong naka-install na Book Cover Maker ng Desygner app, dahil dito ka gagawa ng pabalat para sa iyong kuwento sa Wattpad.

Kung ikaw ay gumagawa ng pabalat sa web, maaari mong gamitin ang Canva, at maaari kang matuto nang higit pa dito

Pumili ng platform para sa iba pang detalye.

Lumikha ng pabalat gamit ang Desygner (iOS & Android)

  1. Magpunta sa iyong kuwento
  2. I-tap ang Create Cover with Desygner
  3. Pumili ng template o magsimula sa isang blangkong canvas, pagkatapos ay i-edit ito gamit ang mga tool sa Desygner.
  4. I-tap ang More button sa kanang sulok, at i-tap ang Export.
  5. I-tap ang Upload to Wattpad
  6. Piliin ang iyong kuwento

Ang iyong pabalat ay kumpleto na at nailagay na sa iyong kuwento!

Lumikha ng pabalat gamit ang Canva (Web)

  1. Magpunta sa story details ng kuwento
  2. Piliin ang Create Cover
  3. Gamitin ang mga template o mag-upload ng iyong sariling mga larawan, pagkatapos ay i-edit ang mga ito gamit ang mga tool sa Canva.
  4. I-click ang Use

Ang iyong pabalat ay kumpleto na at nailagay na sa iyong kuwento!

Kung nahihirapan kang gumawa ng pabalat gamit ang Desygner o Canva, mangyaring makipag-ugnayan sa kanilang Support team at malugod ka nilang tutulungan!

Para makipag-ugnayan sa Desygner Support, i-click ito.

Para makipag-ugnayan sa Canva Support, i-click ito

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
262 sa 462 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.