Skip to Content

Paglalagay ng larawan at video sa iyong kuwento

Pinahihintulutan ka ng Wattpad na maglagay ng mga larawan at video sa iyong mga kuwento upang matulungang mas maging buhay ang mga ito!

Mayroong dalawang lugar kung saan ka maaaring maglagay ng media:

  • Header media: sa header ng parte ng kuwento (sa itaas ng text)
    • May limitasyon na 1 larawan at 1 video
  • Inline media: sa text ng parte ng kuwento
    • May limitasyon ng 20 larawan o video

Mangyaring pakatandaan na ang mga imahe ay dapat na hindi lalagpas sa 10MB at ang mga GIF at hindi lalagpas sa 1MB. Sa kasamaang palad, sa kasalukuyan, hindi posibleng mag-upload ng pdf o ppt na mga file.

Maaari kang mamili ng larawan mula sa iyong computer o phone o kumuha on the spot, at maaari kang magdagdag ng mga Youtube video. Maaari mo ring tanggalin ang media na iyong inilagay anumang oras sa pamamagitan ng pagsunod ng mga hakbang sa aming artikulong Pagtanggal ng media mula sa iyong kuwento. Siguraduhing ang lahat ng iyong mga imahe ay sumusunod sa aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.


Paglalagay ng header media

Sa iOS

  1. I-tap ang Create button sa ibabang menu bar
  2. Magpunta sa iyong kuwento at sa parte ng kuwento

Paglalagay ng larawan:

  1. I-tap ang Insert image button
  2. Kung mayroon nang video, i-tap ang Edit sa kanan at piliin ang Add photo
  3. Pumili alinman sa Take Photo o Choose existing

Paglalagay ng video:

  1. I-tap ang Insert YouTube video button upang maglagay ng YouTube video
  2. Kung mayroon nang larawan, i-tap ang More button at piliin ang Add YouTube video
  3. I-enter ang video name o maghanap ng (mga) termino sa search bar
  4. I-tap ang video at pindutin ang Add

Sa Android

  1. I-tap ang Create button sa ibabang menu bar
  2. Magpunta s aiyong kuwento at sa parte ng kuwento

Paglalagay ng larawan:

  1. I-tap ang Tap to add media
  2. Kung mayroon nang video, i-tap ang More options button
  3. Piliin ang Add photo
  4. Pumili ng larawan sa iyong gallery

Paglalagay ng video:

  1. I-tap ang Tap to add media
  2. Kung mayroon nang larawan, i-tap ang More options button
  3. I-tap ang Add YouTube video
  4. I-enter ang video name o maghanap ng (mga) termino sa search bar
  5. Piliin ang video at pindutin ang Add

Sa Web

  1. I-click ang Sumulat sa navigation bar
  2. I-click ang Ang Aking Mga Kuwento
  3. Magpunta sa iyong kuwento

Paglalagay ng larawan:

  1. I-click ang Insert image button sa itaas ng text
  2. Kung mayroon nang video, i-tap ang Settings at pillin ang Add Photo
  3. I-upload ang imahe
  4. I-click ang Add

Paglalagay ng video:

  1. I-click ang Insert YouTube video button sa itaas ng text
  2. Kung mayroon nang larawan, i-tap ang Settings at pillin ang Add YouTube video
  3. I-paste ang URL ng Youtube video
  4. I-click ang Add

Paglalagay ng inline media

Sa iOS

Paglalagay ng larawan:

  1. I-tap ang parteng nais mong paglagyan ng media
  2. I-tap ang Insert image button sa toolbar
  3. Piliin ang alinman sa Take Photo o Choose existing

Paglalagay ng video:

  1. I-tap ang parteng nais mong paglagyan ng media
  2. I-tap ang Insert Youtube video button sa toolbar
  3. I-enter ang pangalan ng video sa search bar
  4. Piliin ang video at i-tap ang Add

Sa Android

Paglalagay ng larawan:

  1. I-tap ang parteng nais mong paglagyan ng media
  2. I-tap ang Insert image button sa toolbar
  3. Piliin ng larawan mula sa iyong gallery

Paglalagay ng video:

  1. I-tap ang parteng nais mong paglagyan ng media
  2. I-tap ang Insert Youtube video button sa toolbar
  3. I-enter ang pangalan ng video o (mga) termino sa paghahanap sa search bar
  4. Piliin ang video at i-tap ang Add

Sa Web

Paglalagay ng larawan:

  1. I-click ang parteng nais mong paglagyan ng media (dapat ito ay bagong linya)
  2. I-click ang Insert image button sa kaliwa
  3. Pumili ng larawan mula sa iyong computer

Paglalagay ng video:

  1. I-click ang parteng nais mong paglagyan ng media
  2. I-click ang Insert Youtube video button sa kaliwa upang makapaglagay ng YouTube video
  3. I-paste ang URL ng video

Pag-troubleshoot

Mangyaring pakatandaan na ang mga imahe ay hindi lalagpas sa 10MB at ang mga GIF ay hindi lalagpas ng 1MB. Maaari ka lamang din mag-upload ng mga .jpeg, .png, at .gif, at ang Wattpad ay kinakailangang magkaroon ng permisong i-access ang iyong mga larawan bago ka makapag-upload. Ang mga permisong ito ay maaaring i-tsek sa iyong device settings.

Kung ikaw ay nagkakaroon ng problema at ang iyong mga imahe ay pasok sa mga sukat ng mga file, mangyaring basahin ang aming mga artikulo sa Pag-troubleshoot ng mga isyu sa website at Pag-troubleshoot ng mga isyu sa mga app.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
498 sa 841 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.