Skip to Content

Paano mapo-promote ng Wattpad ang aking kuwento?

Magandang tanong at maaari isa sa pinakakilala sa platform!

Ang mga kuwento ay awtomatikong napo-promote sa iba’t ibang bahagi ng Wattpad sa pamamagitan ng aming hot lists, recommendation modules, at algorithms.

Ang ilang kuwento ay pinipili ng aming Wattpad staff para ma-promote sa karagdagang lugar, gaya ng Wattpad Picks. Palagi nilang ginagayugad ang Wattpad sa paghahanap ng content, bagama’t kung nais mong ipasa ang iyong kuwento para ito’y maikonsidera, maaari mong malaman kung paano sa ibaba. 

Paano ba iyon? 

Ang mga kuwentong pino-promote ng Wattpad ay personal at maingat na pinili ng aming Content & Creator Development team, at nabibigyan sila ng pagkakataon na ma-promote sa platform. Maraming ibig sabihin ito, kabilang ang:

  • Ang maisama sa isa sa aming Wattpad Picks lists
  • Maisama sa promoted na home module/appearance sa home screen
  • Maisama sa na-curate na mga rekomendasyon para sa mga mambabasa
  • At marami pang iba!

Walang partikular na time frame kung kailan at gaano katagal ang pag-promote ng iyong kuwento, sapagkat nais naming mapalawak ang exposure ng iyong kuwento sa katanggap-tanggap na paraan. Ang mga kuwento ay mabibigyan ng makatwirang pagkakataon at hindi mailalagay at matatanggal sa loob ng iisang araw, bilang paghahalimbawa.

Ano ang hinahanap namin? 

Kung sa iyong palagay ay nasa iyong kuwento ang aming hinahanap, maaari kang mag-fill out ng application form na dadaan sa aming pag-review. Ang iyong kuwento ay maaaring magkaroon ng kahit ilang bilang ng basa, boto, o kahit ano pang aktibidad. Mananatili pa rin itong eligible! Narito ang ilang pamantayan na aming hinahanap:

  • Nakabibighaning mga kuwento na nakapupukaw sa mga mambabasa, may natatanging boses, istilo, o pakulo. Isang kuwentong hindi mo maibababa!
  • May antas ng pag-iingat at kalidad, walang mga obvious na typos o paulit-ulit na grammar errors na nagpapahirap para basahin ito.
  • Dapat ay mayroong 10,000 pinakamababang bilang ng mga salita para makapagpasa, o isang kumpletong short story o poetry collection kung ito ay mas mababa sa 10,000 na bilang ng mga salita. Siguraduhin na nakalagay ang Kumpleto sa Story Details section.
  • Ang parehong kuwento ay hindi maaaring ipasa nang higit sa isang beses sa loob ng 3 buwan. Ngunit, maaari kang mag-apply gamit ang maraming kuwento nang sabay-sabay.
  • Kung patuloy mo pa ring isinusulat ang iyong kuwento, dapat ay nagpapamalas ito ng patuloy at makatwirang routine sa pag-update.
  • Ang mga kuwento sa Random category ay hindi maaaring mag-apply.
  • Maaari ka lamang mag-apply gamit ang sarili mong mga kuwento at hindi maaaring mag-nominate ng ibang manunulat.

Ang mga indibidwal na aplikasyon ay hindi makatatanggap ng sagot. Kung napili ka para sa promotion, maaari kang ma-notify sa pamamagitan ng pribadong mensahe o sa iyong mga notification. Tandaan na maaari pa rin kaming mag-promote ng mga kuwentong hindi ipinasa sa amin kung pasok ito sa aming pamantayan.

Kung sa tingin mo ay kuwento mo ito, maaari kang magpasa ng iyong application dito. Good luck!

At ganoon iyon!

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
1491 sa 1624 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.