Skip to Content

Pag-promote ng iyong kuwento

Nais mo bang makilala ang iyong kuwento ngunit hindi alam kung paano? Nasa tamang lugar ka!

 

Pumili ng heading sa ibaba para mas matutuo nang higit pa kung paano ma-promote ang iyong kuwento.

 

Sa Wattpad

Laganap ang suporta mula sa komunidad ng Wattpad. Narito ang ilang tips para mabasa ng mga Wattpadder ang kuwento mo:

  • I-follow ang ibang manunulat at basahin ang kanilang akda. Magkaroon ng ideya kung ano ang gusto nila, at sabihin kung ano ang iyong nagustuhan sa kanilang akda. Palaging mabuti ang constructive feedback, at kapag madalas ang iyong presensya sa Wattpad, mas malaki ang pagkakataong tingnan din nila ang iyong akda. 
  • Bigyang halaga ang mga follow. Sa tuwing may magpa-follow sa iyo, padalhan sila ng maikling mensahe para ipaalam sa kanila ang iyong pasasalamat.
  • Sumagot sa komento at suhestiyon sa iyong akda at kuwento.
  • Makipag-usap sa iba. May kuwento bang nagpaalala sa iyo ng isang kanta, video, larawan, o personal na karanasan? Maaaring mas marami kayong pagkakapareho kaya sa iyong inaakala.
  • Humingi ng payo. Kung sa tingin mo ay kinakailangan mo ng tulong, magtanong nang maayos!
  • Gumamit ng maiikli at nakaaakit na mga pamagat. Ang mga pamagat na masyadong mahaba ay inaalis ang misteryo sa kuwento na maaaring makabawas sa interes ng mga mambabasa na basahin ito.
  • I-update ang iyong fans. Panatilihing updated ang iyong fans tungkol sa iyong mga bagong aktibidad. Kung magpapahinga ka na muna sa pagsusulat o kailangan ng tulong sa kung ano man, ang iyong profile ay ang tamang lugar para ipaalam sa iba kung ano ang nagaganap.
  • Huwag kalimutang maglagay ng deskripsyon sa iyong kuwento (plot synopsis). Ito ang unang nakikita ng iyong mambabasa sa iyong kuwento.
  • Panatilihing maikli ang mga kabanata (2000 salita). Tandaan na karamihan ng mga Wattpadder ay nagbabasa sa kanilang mobile device at habang nagbabiyahe.
  • Maging regular. Mag-post ng 1-3 kabanata kada linggo. Higit na mas mabuti kung mayroon kang regular na schedule sa pag-post. Maging tapat sa iyong mambabasa kung ano ang maaari nilang asahan. Sa deskripsyon ng kuwento, halimbawa, sabihin na “May bagong kabanata tuwing Biyernes!”.
  • Magsama ng call to action. Kausapin ang iyong mga mambabasa sa text ng iyong kuwento. Paalalahanan sila na bumoto at magkomento sa bawat kabanata, magtanong ng mga katanungan na maaaring pag-usapan ng iyong mga mambabasa sa mga komento.
  • Magtapos sa cliffhanger. Panatilihing nanghuhula ang iyong mga mambabasa.

Mga paraan upang mas makapagdala ng mga tao sa iyong profile.

Ang ilang mga paraan na maaari mong ipatupad at gamitin, at talagang magpapalutang sa iyo at sa iyong kuwento upang mahanap ng iba ay:

  • Mag-link ng mahalagang social media sa iyong profile, gaya ng Instagram, Twitter, o Facebook. Mas maraming koneksyon ang nailatag, mas madali para sa mga tao na mahanap ang iyong mga kuwento sa Wattpad.
  • Sa tuwing binabanggit mo ang Wattpad sa ibang lugar online, siguraduhin na maglagay ng link tungo sa source nito sa Wattpad, sapagkat mas nakikita kami, ikaw, at ang mga kuwentong mahal mo. Sa tuwing naglalagay ka ng link, mas napadadali ang pagdiskubre ng mga bagay. Mas maraming link ang nailagay, mas madali para makita ka, at mas maraming mambabasa ang mahahanap ang iyong mga kuwento para basahin.

Sa Social Media at ibang Websites 

Facebook

  • I-like ang Wattpad sa Facebook, at gamitin ang iyong sariling Facebook account at status para hikayatin ang iyong mga kaibigan na tingnan ang iyong akda.
  • I-promote ang iyong akda at humingi ng payo mula sa ibang mga Wattpadder sa Wattpad Facebook page. Maganda itong lugar upang makakilala ng iba pang mga Wattpadder, at maraming mga komento, tanong, at mga rekomendasyon araw-araw!

Twitter

  • I-link ang iyong Wattpad profile sa iyong Twitter account. Sa bawat pag-tweet mo tungkol sa iyong akda o sa akda ng iba, nagpo-promote ka ng mga kuwento sa iyong mga follower.
  • Kapag nag-tweet ka ng tungkol sa iyong kuwento, siguraduhin na kasama ang mga hashtag gaya ng #wattpad o #wattpadlife. Ang mga user na naghahanap ng kuwento sa Twitter ay madalas na naghahanap sa pamamagitan ng mga hashtag na ito. Ito rin ay magandang paraan para maipakilala ang iyong pangalan sa komunidad!
  • Maraming mga Wattpadder sa Twitter na maaaring mag-re-tweet ng iyong mga mensahe sa kanilang Twitter followers para tulungan ka.

Blogs

  • Kung mayroon kang blog, ipaalam sa iyong mga follower sa tuwing may bago kang post at kung kamusta ang iyong pagsusulat. Irekomenda ang mga manunulat na gusto mo (at ipaalam sa kanila na ginawa mo ito). Para maibalik nila ang pabor!
  • Padalhan ng email blogs na iyong pina-follow at tanungin kung gagawan ka nila ng profile at/o ang iyong akda. Ang mga blogger ay madalas na naghahanap ng mga bagong ideya, at palagi silang masayang makarinig mula sa kanilang mga follower.
  • Ang Wattpad ay may ilang mga widget na maaari mong ilagay sa iyong blog para i-promote ang iyong akda. Mahahanap mo ito sa iyong profile page!

Ibang mga Site

  • Nasa ibang mga site ka ba gaya ng Tumblr o Pinterest? Magaganda rin itong mga lugar para ipaalam sa iba ang iyong akda sa Wattpad. Huwag kalimutan na magsama ng link!

Mga kaibigan at Pamilya

Malaki ang maitutulong ng iyong mga kaibigan at pamilya para mas maraming tao ang makapansin sa iyong akda sa Wattpad. Maaari mo silang hingan ng tulong:

  • Maaari silang magrekomenda at mag-share ng mga link tungo sa iyong akda sa Facebook, Twitter, o sa kanilang blog.
  • Maaari silang magpadala ng mga mensahe sa kanilang mga kakilala para ipaalam sa kanila kung gaano kaganda ang iyong akda!
Nakakatulong ba ang artikulong ito?
2125 sa 2398 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.