Skip to Content

Pagbabago ng wika

May dalawang opsyon para sa lengguwahe na maaari mong baguhin sa Wattpad.

Lengguwahe ng kuwento: Nababago nito ang lengguwahe ng mga kuwentong matatagpuan sa search results o mga inirerekomenda sa iyo upang basahin. Hindi nito mapapalitan ang lengguwahe na ipinapakita ng Wattpad o makapagbibigay ng pagsasalin ng kuwento. 

Lengguwahe na iyong nakikita: Nababago nito ang lengguwahe na ipinapakita ng Wattpad. Hindi nito mababago ang lengguwahe ng mga kuwentong ipinapakita sa iyo.

Mahalagang paalala: Ang Wattpad ay kasalukuyang walang feature sa pagsasalin. Bilang ang mga kuwento ay isinulat ng bawat manunulat, hindi namin maaaring isalin ang kanilang mga kuwento para sa kanila. Subalit, kung gamit mo ang Mobile Web o Desktop Web na bersyon ng Wattpad, maaari mong gamitin ang Google Chrome para magsalin ng kuwento. Para sa iba pang panuto kung paano gawin ito, mangyaring tingnan ang artikulong ito.

Pumili ng platform para sa iba pang impormasyon.

Sa iOS

Upang baguhin ang Wika ng Kuwento

  1. Tumungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi ng iyong home feed)
  2. I-tap ang Settings sa itaas na kanang bahagi
  3. Piliin ang Account Settings
  4. I-tap ang Language
  5. Mag-scroll sa listahan at pumili ng wika

Upang baguhin ang Wikang gusto mong makita:

  1. Buksan ang Settings app ng iyong device
  2. I-tap ang General
  3. Language & Region
  4. iPhone Language
  5. Piliin ang nais na wika.

Sa Android

Upang baguhin ang Wika ng Kuwento

  1. Tumungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi ng iyong home feed)
  2. I-tap ang Settings
  3. Piliin ang Language
  4. Mag-scroll sa listahan at pumili ng wika

Upang baguhin ang Wikang gusto mong makita:

  1. I-tap ang Settings app ng iyong Android
  2. I-tap ang Data & personalization
  3. Sa ilalim ng “General preferences for the web,” i-tap ang Language.
  4. I-tap ang Edit.
  5. Pumili ng iyong wika. Sa itaas na kanang bahagi, i-tap ang Select.

Sa Web

Upang baguhin ang iyong Wika ng Kuwento

  1. I-click ang iyong username sa itaas na kanang bahagi
  2. Piliin ang Wika
  3. I-click ang wika sa tabi ng Wika ng Kuwento at pumili ng wika mula sa menu
  4. I-click ang Save

Upang baguhin ang Wikang gusto mong makita:

  1. I-click ang iyong username sa itaas na kanang bahagi
  2. Piliin ang Wika
  3. I-click ang wika sa tabi ng Wikang gusto mong makita at pumili ng wika mula sa menu
  4. I-click ang Save

Kung nakararanas ka pa rin ng mga isyu sa pagsasaayos ng iyong mga setting sa Web, subukan itong mga hakbang sa pag-troubleshoot.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
480 sa 975 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.