Sa Wattpad, mayroon kang opsyon na isara ang iyong account anumang oras. Para sa mga panuto kung paano isara ang iyong account, i-click ang platform na iyong ginagamit:
Sa Web
- Mag-log in sa iyong account
- I-click ang iyong username sa itaas na kanang bahagi
- Pindutin ang Settings
- Mag-scroll sa ibaba ng pahina
- I-click ang Close Account sa kanang bahagi
- Sagutan ang kinakailangang impormasyon
- I-check ang kahong nagsasabing ‘Oo, sigurado ako. Isara ang aking account’
- I-enter ang iyong password
- I-click ang Close Account
Sa iOS
- Mag-log in sa iyong account
- I-tap ang Settings sa itaas na kanang bahagi
- Piliin ang Account Settings
- I-tap ang Close Account
- Punan ang mga kinakailangang impormasyon
- I-check ang kahong nagsasabing ‘Oo, sigurado ako. Isara ang aking account’’
- I-enter ang iyong password
- Pindutin ang Close Account
Sa Android
Kasalukuyang walang paraan upang isara ang iyong account sa pamamagitan ng Android app. Kung ikaw ay ay access sa isang computer, maaari mong isara ang iyong account sa pamamagitan ng pag-log in sa Wattpad sa web (tingnan ang mga panuto sa itaas). Kung wala kang access sa isang computer, mangyaring magsumite ng request at ang isang ahente ay makikipag-ugnayan sa iyo upang tulungan kang isara ang iyong account.
Kung hahantong ka nga sa pagsasara ng iyong account, mangyaring tandaan ang mga sumusunod:
- Dapat ay naka-log in ka sa iyong account upang maisara ito
- Ang pagsasara ng iyong account ay maaari lamang gawin sa web sa isang regular na computer, hindi mo maisasara ang iyong account sa app o mobile browser.
- Kapag isinara mo ang iyong account, isinusuko mo ang iyong username. Kung may gumawa ng account gamit ang kaparehong username, hindi mo na ito maibabalik sa iyong orihinal na account
- Maaari mong ibalik ang iyong account sa pamamagitan ng pag-sign in muli, na awtomatikong magbubukas muli ng account, maaari kang matuto nang higit pa sa Pagbubukas muli/pag-reactivate ng account
- Ang iyong isinarang account ay maaaring lumitaw sa resulta sa Google sa loob ng ilang linggo pagkatapos nito
Kung hindi mo matandaan ang iyong password, mangyaring tingnan ang aming artikulo tungkol sa Pag-reset o pagpapalit ng iyong password. Kung nakalimutan mo ang iyong email address, mangyaring basahin ang aming artikulo: Nakalimutan ang iyong email.
Kung may lumikha ng isang Wattpad account gamit ang iyong email address, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito.
Ang pagsasara ng iyong Wattpad account ay magreresulta sa pagkawala ng access sa iyong:
- Library, o reading lists
- Pribado at pampublikong mga mensahe
- Mga komento
- Personal na isinulat na mga akda
- Username
Upang tingnan kung ang isang account ay nakasara
Kung nais mong makasiguro na ang iyong account ay naisara:
- I-type ang https://www.wattpad.com/user/yourusername at palitan ang ‘yourusername’ gamit ang username ng account na iyong isinara.
- Kung naisara mo ang iyong account, magkakaroon ka dapat ng ‘User not found’ na pahina.
Huwag mag-sign in muli sa iyong account; ito ay magbubukas muli ng iyong account sa pamamagitan ng self-restoration: Pagbubukas muli/pag-reactivate ng account.Kung ikaw ay may iba pang katanungan, ipaalam ito sa amin.
Mga Komento
Mangyaring mag-sign in upang mag-iwan ng komento.