Skip to Content

Pagsasara ng iyong Wattpad account

Sa Wattpad, may opsyon kang isara ang iyong account anumang oras. Para sa mga panuto kung paano isara ang iyong account, i-click ang platform na iyong ginagamit:

Sa Web

  1. Mag-log in sa iyong account
  2. I-click ang iyong username sa itaas na kanang bahagi
  3. Piliin ang Settings > Account
  4. I-click ang Isara ang Account sa ibaba
  5. Sagutan ang mga kinakailangang impormasyon
  6. I-check ang kahon na nagsasabing 'Oo, sigurado ako. Pakisara ang aking account'
  7. Ilagay ang iyong password
  8. I-click ang Isara ang Account

Sa iOS

  1. Mag-log in sa iyong account
  2. I-tap ang  Settings sa itaas na kanang bahagi
  3. Piliin ang Account Settings
  4. I-tap ang Isara ang Account
  5. Sagutan ang mga kinakailangang impormasyon
  6. I-check ang kahon 
  7. I-click ang Isara ang Aking Account

 

Sa Android

Mula sa bersyon ng app na 10.64.0 pataas, mayroong paraan para isara ang iyong account nang direkta sa Android app. Kung ikaw ay nasa 10.63.0 o mas mababa, kailangan mong mag-log in sa Wattpad sa Web (tingnan ang mga panuto sa itaas) o mangyaring magsumite ng request at makikipag-ugnayan ang isang ahente upang tumulong sa pagsasara ng iyong account.

  1. Mag-log in sa iyong account
  2. I-tap ang Settings sa itaas na kanang bahagi
  3. Piliin ang Account Settings
  4. Piliin ang Isara ang Account

Kung ikaw ay naka-log out sa mobile web, kailangan mong mag-log in sa iyong account. Kung ikaw ay naka-log in na, magagawa mong isara ang iyong account mula sa pahinang ito.

 

Kung sakaling isasara mo ang iyong account, mangyaring magkaroon ng kamalayan sa mga sumusunod:

  • Kailangang naka-log in ka sa iyong account upang maisara ito
  • Ang pagsasara ng iyong account ay available lamang sa web sa isang regular na computer, hindi mo maaaring isara ang iyong account sa app o sa mobile browser
  • Kapag isinasara mo ang iyong account, isinusuko mo ang iyong username. Kapag may gumawa ng account gamit ang kaparehong username, hindi mo na maibabalik pa ang iyong orihinal na account
  • Maaari mong maibalik ang iyong account sa pamamagitan ng pag-sign in muli, na siyang awtomatikong magbubukas muli sa account, maaari kang matuto nang higit pa sa Pagbubukas muli/pag-reactivate ng account
  • Ang iyong nasarang account ay maaaring lumitaw sa Google results sa loob ng ilang linggo pagkatapos

Kung hindi mo matandaan ang iyong password, mangyaring basahin ang aming artikulo sa Pag-reset o pagpalit ng iyong password. Kung nakalimutan mo ang iyong email address, mangyaring basahin ang aming artikulo: Nakalimutan ang iyong email.

Ano ang mangyayari sa iyong data kapag isinara mo ang iyong account

Itatago namin ang lahat ng iyong data kapag isinara mo ang iyong account sakaling nais mong i-reactivate ang iyong account sa hinaharap. Kung pagkatapos ng halos 6 na buwan ay hindi mo ni-reactivate ang iyong account, at wala kang aktibong subskripsyon o kahit na anong nabiling Coins sa account, ang iyong account ay mabubura. Kapag nabura na ang iyong account, ito ang mangyayari sa iyong data:

 

Data Status Uri ng Data
Nabura
  • Username 
  • Password
  • Email
  • IP address
  • Pangalan sa profile 
  • Inilagay na lokasyon 
  • Website (kahit na anong third party link/website na inilagay sa iyong profile sa Account Settings)
Naging anonymous* at available sa publiko sa Wattpad
  • Mga komento sa mga kuwento
Naging anonymous* at available lamang sa aming internal servers
  • User ID
  • Petsa ng paggawa ng account
  • Kasarian/Pronouns
  • Bansa
  • Signup Platform
  • Petsa ng Kapanganakan
  • Mga Kuwento
  • Private messages
  • Pampublikong mensahe
  • Reading history
  • Notification history
  • Library/mga reading list
  • Mga boto sa mga kuwento
  • Mga aksyon sa pag-moderate na ginawa laban sa account/mga kuwento/mga larawan

 

 *Ang ibig sabihin ng pagiging anonymous ay ang data na ito ay nananatili sa aming mga server, ngunit hindi na ito konektado sa iyong personal at tukoy na impormasyon (hal. username/email). 

 


Upang malaman kung ang isang account ay sarado

Kung nais mong kumpirmahin kung ang iyong account ay naisara na:

  1. I-type ang https://www.wattpad.com/user/iyongusername, palitan ang 'iyongusername' gamit ang username ng account na kasasara mo lamang.
  2. Kung isinara mo ang iyong account, dapat ay makakuha ka ng pahinang 'User not found'.

Huwag mag-sign in muli sa iyong account; bubuksan muli nito ang iyong account gamit ang self-restoration: Pagbubukas muli/pag-reactivate ng account.

Kung may gumawa ng Wattpad account gamit ang iyong email address, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa‘Fix a problem / Contact us’ sa kanan o ibaba ng artikulong ito.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
1451 sa 4918 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.