Para mas padaliin pa, maaari kang mag-sign up o mag-log in sa iyong account gamit ang alinman sa Facebook o Google.
Kapag ini-link mo ang iyong account sa mga social media account, makikita ito sa iyong profile. Ang pag-link ng iyong account ay makapagbibigay sa iyo ng mas maraming opsyon sa pag-log in, at makatutulong sa ibang user upang mahanap ang iyong online na presensya sa ibang mga site.
Ang artikulong ito ay tungkol sa pag-link ng Facebook at Google para mag-log in. Para sa detalye kung paano i-link ang Twitter at iba pang social media, bisitahin ang Pag-promote ng iyong kuwento.
Pag-sign up
Sa iOS
Gamit ang Facebook:
- I-download ang Wattpad app
- Siguraduhin na naka-log in ka sa Facebook
- Buksan ang Wattpad app
- I-tap ang Facebook sa signup screen
Gamit ang Google:
- I-download ang Wattpad app
- Siguraduhin na naka-log in ka sa isang produkto ng Google o naka-link ang iyong cellphone sa isang email address na naka-link sa Google
- Buksan ang Wattpad app
- I-tap ang Google sa signup screen
- Pumili ng Google account
- Sundin ang mga prompt
Sa Android
Gamit ang Facebook:
- I-download ang Wattpad app
- Buksan ang Wattpad app
- I-tap ang Facebook sa signup screen
- Mag-log in sa iyong Facebook account
- Sundin ang mga prompt
Gamit ang Google:
- I-download ang Wattpad app
- Siguraduhin na naka-log in ka sa isang produkto ng Google o naka-link ang iyong cellphone sa isang email address na naka-link sa Google
- Buksan ang Wattpad app
- I-tap ang Google sa signup screen
- Pumili ng Google account
- Sundin ang mga prompt
Sa Web
Gamit ang Facebook:
- Pumunta sa https://www.wattpad.com
- I-click ang Facebook
- Mag-log in sa iyong Facebook account
- Sundin ang mga prompt
Gamit ang Google:
- Pumunta sa https://www.wattpad.com
- I-click ang Google
- Piliin ang Google account na nais mong gamitin (i-click ang itaas na kanang bahagi)
- I-click ang Allow
- Sundin ang mga prompt
Paglalagay ng Password
Ang iyong account ay maili-link sa parehong email address sa iyong Facebook o Google account, ngunit kailangan mo pa ring maglagay ng password.
Humingi ng reset password email mula sa https://www.wattpad.com/forgot at i-enter ang email na naka-link alinman sa iyong Facebook o Google. Para sa mas detalyadong mga hakbang, magtungo sa aming Reset Password guide.
Pag-unlink/pag-link ng accounts
Sa iOS
Facebook:
- Tumungo sa iyong profile
- I-tap ang gear sa kanang bahagi
- Piliin ang Account Settings
- Piliin ang Linked Accounts
- I-slide ang button para ma-on ang Facebook link
- Mag-log in sa iyong Facebook account
Para mag-unlink: i-slide ang Facebook button papunta sa ‘off’ (grey)
Sa Android
Facebook:
- Pumunta sa iyong profile
- I-tap ang gear sa kanang bahagi
- Piliin ang Account Settings
- Mag-scroll down hanggang sa ‘Social Networks’
- I-tsek ang kahon sa tabi ng Facebook
- Mag-log in sa iyong Facebook account
Google:
- Pumunta sa iyong profile
- I-tap ang gear sa kanang bahagi
- Piliin ang Account Settings
- Mag-scroll down hanggang sa ‘Social Networks’
- I-tsek ang kahon sa tabi ng Google
- Pumili ng Google account
Para mag-unlink: tanggalin ang tsek sa kahon sa tabi ng account na nais mong i-unlink
Sa Web
Sa Web (Facebook)
- I-click ang iyong username sa itaas na kanang bahagi
- Piliin ang Settings
- I-click ang Facebook
- Mag-log in sa iyong Facebook account
Para mag-unlink: i-click ang pulang ‘x’ sa tabi ng Facebook
Ang mga detalye sa iyong Facebook/Google account
Sa iyong pag-sign up, gagawa kami ng account para sa iyo gamit ang:
- username = pangalan sa Facebook (o pangalan+(mga) numero kung ito’y nakuha na)
- email address = parehong email address sa Facebook
- araw ng kapanganakan = katulad ng sa Facebook kung mayroon ka mang nakalista
Kailangan mong mag-set up ng:
- password
- profile picture
- background picture
Maaari kang mag-set up ng password sa pamamagitan ng www.wattpad.com/forgot sapagkat hindi kami nagsi-sync ng iyong password o iba pang karagdagang impormasyon mula sa Facebook.
Mangyaring pakatandaan:
- Ang link patungo sa iyong Facebook profile ay palaging makikita sa iyong Wattpad profile
- Kung pinalitan mo ang iyong email address sa Facebook, dapat ay mano-mano mong palitan ito sa Wattpad
Sa kasamaang palad, walang paraan para hindi makita ang link sa iyong Facebook profile kung nag-log in ka gamit ang Facebook.
Sa iyong pag-sign up, gagawa kami ng account gamit ang iyong email address, ngunit ikaw ay papipiliin ng:
- username
- password
- kasarian
- araw ng kapanganakan
- profile picture (lalabas ang iyong Google profile picture, ngunit may opsyon ka na palitan ito roon)
Ang opsyon na mag-log in sa pamamagitan ng Google ay available lamang sa mga Android devices.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.