Skip to Content

Pagpapalit ng iyong email

Ang isang valid email address na naka-link sa iyong account ay importante. Kailangan mo ito upang:

  • Mag-reset ng iyong password
  • Mag-verify ng iyong account
  • Makatanggap ng email notification mula sa Wattpad

Maaari mong palitan ang email address na naka-link sa iyong account sa kahit na anong oras basta’t ito’y isang valid email at alam mo ang iyong kasalukuyang password.

Kapag pinalitan mo ito, kailangan mong i-verify ang email address. Ipapadala sa iyong bagong email ang isang verification email pagkatapos mong palitan ito. Kung ikaw ay magkaroon ng problema, mangyaring tingnan ang gabay na ito: Pag-verify ng iyong Email

Pumili ng platform para sa iba pang detalye.

Sa iOS

  1. Tumungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi)
  2. I-tap ang Settings sa itaas na kanang bahagi
  3. Pindutin ang Account Settings
  4. I-tap ang Email
  5. I-enter ang iyong bagong email at ang iyong kasalukuyang password
  6. I-tap ang Done

Sa Android

  1. Tumungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi ng iyong home feed)
  2. I-tap ang Settings sa itaas na kanang bahagi
  3. Pindutin ang Account Settings
  4. Mag-scroll pababa at i-tap ang Email
  5. I-enter ang iyong bagong email at ang iyong kasalukuyang password
  6. I-tap ang Change

Sa Web

  1. I-click ang iyong username sa itaas na kanang bahagi
  2. Pindutin ang Settings
  3. I-click ang Baguhin sa tabi ng kasalukuyang email
  4. I-enter ang iyong bagong email at ang iyong kasalukuyang password
  5. I-click ang Submit

Kung ikaw ay nagkakaroon ng problema sa pagpapalit ng iyong email, marahil ito ay isa sa mga dahilang ito:

  • Ang email address na sinusubukan mong gamitin ay naka-link na sa ibang account
  • Nakalimutan ang password
  • Walang access sa naka-link na email o sa Wattpad account
  • Ang iyong Gmail address ay nagrerehistro nang walang mga tuldok; mangyaring tingnan ang artikulong ito para sa karagdagang impormasyon.

Pumili ng kategorya sa ibaba para sa iba pang detalye.

Nagamit na ang email?

Nakatatanggap ng prompt na ang iyong email ay nagamit na? Ito ay dahil naka-link na ang email sa ibang Wattpad account.

Ang mga email ay maaaring mai-link sa isang aktibong Wattpad account, kaya kailangan mong gumamit ng ibang email address. Ang mga account ay dapat na naka-link sa isang email.

Nakalimutan ang password?

Kung hindi mo mapalitan ang iyong email dahil hindi mo matandaan ang iyong password, i-reset mo ito. Tingnan ang aming gabay kung kailangan mo ng tulong: Pag-reset ng Iyong Password

Walang access sa naka-link na email?

Kung hindi mo alam ang iyong password at hindi mo ma-reset ito dahil wala kang access sa iyong email, hindi mo mapapalitan ang email sa iyong account. Mangyaring basahin ang aming gabay para sa iba pang detalye: Nakalimutan ang email

Kung hindi pa rin ito makatutulong sa iyo sa isyung ito, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito.

Siguraduhing sumulat sa amin gamit ang email na naka-link sa iyong account.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
194 sa 497 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.