Skip to Content

Paggawa ng account

Mangyaring pakatandaan, ang iyong email ang paraan para makipag-ugnayan kami sa iyo kung ikaw ay makararanas ng kahit na anong isyu. Inirerekomenda naming huwag gamitin ang iyong school email address, dahil ito ay maglalaho at hindi na maa-access pa kapag ikaw ay naka-graduate na.

Sa iyong pag-sign up, tatanungin ka kung ikaw ay isang mambabasa o isang manunulat. Alinman ang iyong piliin, magkakaroon ka pa rin ng pagkakataong magbasa at magsulat pagkatapos magawa ang iyong account.

Kung gagawa ka ng kuwento, mangyaring pakatandaan na hindi ito posibleng ilipat sa ibang account.

Paggawa ng account sa app

Maaari kang gumawa ng Wattpad account gamit ang iyong Facebook/Google+ account o email. I-download ang app, pagkatapos ay i-click ang Sign Up.

Gamit ang Email

  1. I-enter ang iyong email at gumawa ng username at password upang makagawa ng iyong account.
  2. I-tap ang Sign Up.
  3. Sundan ang mga prompt na ibibigay upang makagawa ng iyong account.

Gamit ang Facebook

Upang makagawa ng account gamit ang Facebook

  1. Siguraduhing naka-log in ka sa iyong Facebook account sa app.
  2. Pindutin ang Facebook button
  3. Sundan ang mga prompt na ibibigay upang makagawa ng iyong account.

Mangyaring pakatandaan: Kapag binago mo ang email na ginamit mo sa iyong Facebook, hindi nito awtomatikong mapapalitan ang email ng iyong Wattpad account. Kung paano baguhin ang iyong email, mangyaring tingnan ang artikulong Pagpalit ng Iyong Email.

Gamit ang Google+

Ang opsyon na ito ay para lamang sa mga Android user.

  1. Pindutin ang Google button.
  2. Piliin kung anong email account (o magdagdag ng account) na nais mong gamitin sa paggawa ng account.
  3. Sundan ang mga prompt na ibibigay upang makagawa ng iyong account.

Paggawa ng account sa web

Upang makagawa ng account, tumungo sa www.wattpad.com. Maaari kang gumawa ng account gamit ang Facebook, Google o iyong email at password.

Gamit and Email

  1. I-click ang Simulang Magbasa o Simulang Magsulat
  2. I-enter ang iyong email at gumawa ng username at password upang makagawa ng iyong account.

  3. I-enter ang iyong Kaarawan
  4. I-click ang Gusto ko ang pagbabasa o Gusto ko ang pagsusulat
  5. Sundan ang mga prompt na ibibigay upang makagawa ng iyong account.

Gamit ang Facebook

Upang makagawa ng account gamit ang Facebook,

  1. Siguraduhing naka-log in ka sa iyong Facebook account sa web.
  2. I-click ang Simulang Magbasa o Simulang Magsulat
  3. Pindutin ang Facebook button sa sign up window
  4. Sundan ang mga prompt na ibibigay upang makagawa ng iyong account.

Mangyaring pakatandaan: Kapag binago mo ang email na ginamit mo sa iyong Facebook, hindi nito awtomatikong mapapalitan ang email ng iyong Wattpad account. Kung paano baguhin ang iyong email, mangyaring tingnan ang artikulong Pagpalit ng Iyong Email.

Gamit ang Google+

  1. Siguraduhing naka-log in ka sa iyong Google account sa web.
  2. I-click ang Simulang Magbasa o Simulang Magsulat
  3. Pindutin ang Google button sa sign up window
  4. Sundan ang mga prompt na ibibigay upang makagawa ng iyong account.

 

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
214 sa 339 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.