Skip to Content

Pagpalit ng username

Ang iyong username ay ang nakapagbibigay ng pagkakakilanlan sa iyong account. Narito ang ilan sa mga gamit ng iyong username:

  • Para mahanap ang iyong profile o mga kuwento na iyong isinulat sa Wattpad
  • Para ma-tag ka sa isang komento
  • Para makapag-dedicate ng kuwento sa iyo
  • Para mabura ang isang kuwentong iyong naisulat

Ang mga username ay natatangi kaya’t walang dalawang user ang may parehong username.

Iba ito mula sa iyong display name (at buong pangalan, o pangalan), na makikita lamang sa iyong profile. Ang display name ay hindi nangangailangan na maging kakaiba at maaaring magkaroon ng mga patlang o espesyal na karakter. Matuto nang higit pa tungkol sa mga display name sa gabay na ito: Pagpapalit ng iyong pangalan

Maaaring palitan ang iyong username anumang oras, ngunit dapat ay alam mo ang iyong password para mabago ito. Kung nakalimutan mo ang iyong password, mangyaring basahin ang gabay na ito: Pag-reset ng Password 

Kapag pinalitan mo ang iyong username, lahat ng mga kaganapan na may kinalaman dito sa mga komento, mga dedikasyon, mga kuwento, atbp. ay mapapalitan ng iyong bagong username. Sa oras na isuko mo ang isang username, maaari na itong gamitin ng iba. Ang username ay dapat may 6-20 na mga karakter at walang mga espesyal na karakter (gaya ng mga patlang o mga tandang padamdam).

Pumili ng platform para sa iba pang mga detalye. 

Sa iOS

  1. Tumungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi ng iyong home feed)
  2. I-tap ang Settings sa itaas na kanang bahagi
  3. Piliin ang Account Settings
  4. I-tap ang Username
  5. Ilagay ang iyong bagong username at kasalukuyang password
  6. I-tap ang Done

Sa Android

  1. Tumungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi ng iyong home feed)
  2. I-tap ang Settings sa itaas na kanang bahagi
  3. Piliin ang Account Settings
  4. I-tap ang Username
  5. Ilagay ang iyong bagong username at kasalukuyang password
  6. I-tap ang Change

Sa Web

  1. I-click ang iyong kasalukuyang username sa itaas na kanang bahagi ng iyong screen
  2. Piliin ang Settings mula sa drop-down menu
  3. I-click ang Change sa tabi ng iyong kasalukuyang username
  4. I-type ang iyong bagong username at kasalukuyang password
  5. I-click ang Save

Nakalimutan ang iyong username?

Maaari kang mag-sign in sa iyong account gamit ang iyong email address na naka-link dito. Kapag nakapag-log in, maaari ka nang tumungo sa iyong profile at makikita mo ang iyong username na may @ sa unahan nito. 

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
253 sa 544 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.