Mayroong ilang paraan kung paano i-adjust ang iyong mga notification. Tingnan ang mga opsyon sa ibaba kung paano i-on o i-off ang mga Push notification at Email notification.
May tatlong uri ng notifications sa Wattpad:
- Email notifications
- Mga komento, Pribadong Mensahe, Update ng Kuwento, Bagong mga Follower
- Push notifications (Mga alert na makikita sa labas ng App)
- Mga Komento, Announcements, Pribadong Mensahe, Update ng Kuwento, Bagong mga Follower
- Mga kaganapan sa iyong Notifications Feed (sa app o sa web)
- Mga Komento, Announcements, Pribadong Mensahe, Update ng Kuwento, Bagong mga Follower
Ang mga email notification ay maaari lamang baguhin sa web.
Hindi maaaring baguhin, i-dismiss, o tanggalin ang mga kaganapan sa Notifications Feed. Subalit, mayroon kaming ginagawa para mas pagbutihin ito sa hinaharap!
Kung may antala sa iyong pagtanggap ng mga notification o hindi mo ito natatanggap, mangyaring tingnan ang aming gabay sa pag-troubleshoot: Naantalang Pagdating o Walang mga Notification.
Kung nais mong i-adjust ang iyong notification settings, mangyaring gawing gabay ang mga hakbang sa ibaba:
Sa iOS (push notifications)
Mayroong dalawang paraan para makontrol ang iyong push notifications: sa Wattpad app at sa iyong iOS device settings.
Sa Wattpad app:
- Tumungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi ng iyong home feed)
- I-tap ang Settings button sa itaas na kanang bahagi.
- Piliin ang Account Settings.
- Mag-scroll pababa para makita ang iyong notification settings.
- Piliin ang mga notification na nais mong matanggap.
Sa iyong iOS device settings:
- Buksan ang Settings
- I-tap ang Notifications
- Mag-scroll pababa hanggang sa makita ang Wattpad at i-click ito
- I-tap ang Allow Notifications
- I-customize kung paano mo nais makatanggap ng mga push notification, Mangyaring pakatandaan, ang Wattpad push notifications ay hindi gagawa ng tunog kahit pa naka-on ang sound sa iyong iOS settings.
Sa Android (push notifications)
Mayroong dalawang paraan para makontrol ang iyong push notifications: sa Wattpad app at sa iyong Android device settings.
Sa Wattpad app:
- Tumungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi ng iyong home feed)
- I-tap ang Settings button sa itaas na kanang bahagi.
- I-tap ang Notifications.
- Piliin ang mga notification na nais mong matanggap
Sa iyong Android device settings:
- Buksan ang Settings
- I-tap ang Apps & Notifications
- I-tap ang See all apps
- Mag-scroll pababa at i-tap ang Wattpad
- I-tap ang Notifications at i-on ang Show notifications
- Piliin ang mga notification na nais mong matanggap
Sa Web (email notifications)
- I-click ang iyong username sa itaas na kanang bahagi ng iyong navigation bar.
- Piliin ang Settings mula sa drop-down menu.
- I-click ang Notifications tab malapit sa itaas ng page sa tabi ng Account.
- Piliin ang mga email na nais mong matanggap, pagkatapos, i-click ang Save.
Mga Komento
Mangyaring mag-sign in upang mag-iwan ng komento.