Skip to Content

Paggawa ng announcement

Maaari kang magpadala ng mensahe sa lahat ng iyong followers sa pamamagitan ng paggawa ng Announcement.

Sa paggamit ng feature na ito, ang iyong mensahe ay maipadadala sa notification feed  ng lahat ng iyong mga follower. Mangyaring pakatandaan na maaari ka lamang mag-post ng hanggang 3 announcements kada araw. Ang ibang mensahe na ipo-post ay makikita sa iyong mga usapan, ngunit hindi makatatanggap ng notification ang iyong mga follower.

Tulad ng sa mga komento, ang mga mensahe ay limitado lamang sa 2000 karakter.

Pumili ng platform para sa iba pang impormasyon.

Sa iOS

  1. Tumungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture itaas na kanang bahagi ng iyong home feed) 
  2. I-tap ang Conversations
  3. I-tap ang Post a Message at i-type ang iyong mensahe
  4. I-slide ang button sa tabi ng ‘Announce this to my followers’ 
  5. I-tap ang Post

Sa Android

  1. Tumungo sa iyong profile (i-tap ang iyong profile picture sa itaas na kanang bahagi ng iyong home feed) 
  2. I-tap ang Conversations
  3. I-tap ang Post a Message at i-type ang iyong mensahe
  4. Lagyan ng tsek ang kahon sa tabi ng ‘Announce this to my followers
  5. I-tap ang Post

Sa Web

  1. Pumunta sa iyong profile
  2. I-click ang Profile
  3. I-click ang Mga Usapan
  4. I-type ang iyong mensahe
  5. Lagyan ng tsek ang kahon sa tabi ng ‘Ibalita ito sa aking mga followers
  6. I-click ang i-post
Nakakatulong ba ang artikulong ito?
101 sa 148 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.