Skip to Content

Pag-verify ng iyong email o account

Sa pagsali mo sa Wattpad, hinihiling namin sa iyo na i-verify ang email address na naka-link sa iyong account. Ito ay mabilis at madaling proseso at ito ang mga benepisyo sa paggawa nito!

Bakit dapat mong i-verify ang iyong email?

  • Maka-follow ng iba pang mga user
  • Makapagpadala ng mga pribadong mensahe
  • Makapag-post sa profile ng iba pang mga user
  • Makapaglathala ng kuwento
  • Makaboto
  • Ma-edit ang iyong profile description
  • Upang makita ang iyong profile description
  • Makatanggap ng email notification mula sa amin

Paano Mag-Verify:

Ikaw ay pinadalhan ng verification/activation email kapag nag-sign up ka.

  1. Tingnan ang iyong inbox para sa isang email na pinamagatang, ‘Activate your Wattpad Account’.
  2. Buksan ang email at i-click ang Activate Account

Tingnan ang iyong junk/spam folder kung hindi mo makita ang email.

Kung hindi mo pa rin makita ang email, maaari mong sundan ang mga hakbang sa ibaba upang maipadalang muli sa iyo ang verification email.

Pumili ng platform para sa iba pang detalye.

Sa iOS & Android

  1. Tumungo sa iyong profile
  2. Pindutin ang Conversations (ang kanang tab)
  3. Pindutin ang Post a message at i-type ang mensahe
  4. Pindutin ang Post sa itaas na kanang bahagi
  5. I-tap ang Resend Email

Sa Web

  1. Mag-log in sa iyong account gamit ang regular na computer
  2. Sundan ang mga hakbang sa banner sa itaas ng screen
  3. O, magtungo sa Settings, pagkatapos, sa tabi ng iyong email address, i-click ang kahel na link na nagsasabing Send Activation Code at sundan ang mga hakbang

Kung hindi ka pa rin natulungan nito sa isyu na ito, mangyaring magsumite ng ticket gamit ang support sa pamamagitan ng pag-click nito at malugod ka naming tutulungan. 

Siguraduhin na ang email na iyong gagamitin sa pagsulat sa amin ay ang email na naka-link sa iyong account.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
1477 sa 3345 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.