Skip to Content

Pagiging Beta tester

Palagi kaming naghahanap ng mga aktibong Wattpadder na sasali sa aming Beta Program at magbahagi ng kanilang input sa teknikal at pang-disenyong pananaw. Bilang isang kompanya, ginagawa namin ang aming makakaya upang matukoy ang mga isyu sa kalidad; subalit, ang aming mga pagsusuri ay hindi palaging tumutugma sa kung ano ba ang nais ng mga Wattpadder o kung ano ang mga isyu na kanilang nakikita. Ipinakita ng aming karanasan na ang pinakamainam na paraan upang mapalitaw ang mga nakatagong isyu na ito ay ang pagsasagawa ng mga beta na pagsusuri.

Sa pagiging beta user, ikaw ay bibigyan ng maagang access sa mga bagong feature na aming pinag-eeksperimentuhan. Ang iyong feedback ay makatutulong hindi lamang sa pagpapabuti ng stability ng Wattpad, pati na rin sa bagong disenyo at mga product feature.

Para makasali sa Beta Program, mangyaring piliin ang pinaka-akmang platform sa ibaba para makapagsimula:

iOS App

Upang makasali sa Beta Program para sa iOS App ng Wattpad, mangyaring i-click ang link sa ibaba at sundan ang mga direksyon. Siguraduhing ang email na iyong gagamitin ay naka-link sa iyong Wattpad account, pagkatapos ay padadalhan ka ng mga link sa email upang mai-download ang beta version ng Wattpad.

https://testflight.apple.com/join/CXefLgKK 

Huwag mag-alala, ang app na ito ay hindi papalitan ang iyong kasalukuyang Wattpad App!

Android App

Upang makasali sa Beta Program para sa Android App ng Wattpad, ang kailangan mo lamang gawin ay tumungo sa Google Play Store at hanapin ang ‘wpbeta’, pagkatapos ay i-download ang app.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
687 sa 761 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.