Skip to Content

Mga tip para sa iyong publishing journey

Habang patuloy na nakatatanggap ang mga manunulat ng magandang feedback sa kanilang mga kuwento, maraming literary agents at mga publishing houses ang nakapapansin ng mga akda sa Wattpad. Ang gabay na ito ay para matulungan kang makapagsiyasat kung may lumapit sa iyo sa pamamagitan ng Wattpad

Kung isa sa aming mga partner ang interesado na makipagtrabaho sa iyo, makatatanggap ka ng mensahe mula sa Wattpad. Ang aming mga partner ay hindi direktang lumalapit sa mga manunulat sa pamamagitan ng Wattpad platform.

Palagi naming hinihikayat ang mga manunulat na gumawa ng pagsisiyasat pagdating sa kahit na anong oportunidad. Bagamat natutuwa kaming makita ang tagumpay ng mga manunulat sa loob at labas ng Wattpad, nais naming paalalahanan ang komunidad na kapag ipinasok mo ang iyong kuwento sa isang kasunduan na walang kaugnayan sa Wattpad, hindi ka na magiging eligible para sa kahit na anong oportunidad sa Wattpad kabilang ang The Wattys, Paid Stories, Wattpad Books, at Wattpad Studios.

Nasa ibaba ang ilan sa mga tip na maaaring makatulong sa iyo na gumawa ng wastong desisyon.

  1. Hanapin sa Internet ang kompanya at tingnan kung mayroong mga kaduda-dudang resulta. Suriin ang kabuuang opinyon mula sa mga writers na nakatrabaho ng kompanya.
  2. Bigyang pansin ang piniling salita at wikang ginamit. Kung ikaw ay tinawag na “writer” o “author”, bilang halimbawa, ay maaaring nangangahulugan na binibigyan ka ng isang pangkalahatang offer na nakalaan para sa daang iba pa.
  3. Siguraduhin na lubos mong nauunawaan ang proseso at mga tuntunin ng kasunduan ng kompanya. Maingat na basahin ang mga karapatan na iyong pinakakawalan.
  4. Kumuha ng legal na payo kung kinakailangan. Palaging basahin ang mga fine print para malaman kung alin sa iyong mga karapatan ang iyong pinapakawalan at napapanatili. 
  5. Huwag matakot magtanong ng maraming katanungan. Kung may kredibilidad ang kompanya at totoong interesado sa pakikipagtrabaho sa iyo, wala silang magiging problema sa direktang pagsagot sa iyong mga tanong. Ang ilan sa maaari mong maging katanungan ay:
    • “Makikita ba sa bookstore ang aking libro o sa online lamang?” “Magkakaroon ba ng marketing o sales support para masiguro ang tagumpay ng aking libro?” “Ano ang mapananatili at mabibitawan kong karapatan sa pagpirma ng kontratang ito?” “Negotiable ba ang kontrata?” “May propesyonal ba na mag-e-edit ng aking libro?”
  6. Huwag hayaang mapwersa na pumirma kung hindi komportable.

Tandaan na sa Wattpad, napananatili mo ang lahat ng karapatan sa iyong mga kuwento. Hindi lahat ng mga platform ay gumagana sa ganitong paraan, kaya maging maingat at mapagmatyag sa tuwing nilalapitan ng kahit na sino na nais na magkaroon ng kontrata para sa iyong akda.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
125 sa 137 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.