Skip to Content

Paano kung may Publisher na nakipag-ugnayan sa akin?

Habang patuloy na nakatatanggap ang mga manunulat ng magandang feedback sa kanilang mga kuwento, maraming literary agents at publishing houses ang nakapapansin ng mga akda sa Wattpad. Ang gabay na ito ay matutulungan kang makapagsiyasat kung sakaling may lumapit sa iyo sa pamamagitan ng Wattpad.

Palagi naming hinihikayat ang mga manunulat na gawin ang nararapat na pagsisiyasat sa tuwing nilalapitan sila ng taong nagpapakilala bilang isang agent, editor, o publisher. Hilingin na makausap ang mga nakaraan at kasalukuyang kliyente at siguraduhin na maingat at maayos na babasahin ang lahat bago pumirma ng kahit na ano.

Mga tip sa pagsisiyasat tungkol sa isang publisher o agent

  1. Tingnan ang Industry Insiders Club ng Wattpad. I-post ang iyong katanungan at maaari kang mabigyan ng payo ng mga maalam na miyembro sa komunidad ng Wattpad tungkol sa mga lehitimong publishing houses, kung paano mag-source ng agent, at iba pang mga katanungan tungkol sa industriya.
  2. Marami sa mga Wattpadder na nagkaroon ng propesyonal na publishing deals gaya nina Anna Todd (@Imaginator1D) at Natasha Preston (@NatashaPreston) ay nakakamit ng mga kasunduan na pinapayagan silang mapanatili ang kanilang buong akda sa Wattpad. Mayroong benepisyo sa pagpapanatili ng buong akda sa Wattpad, kahit pa na may nakamit nang kasunduan, kaya’t siguraduhin na matalakay ito kasama ang kahit na sinong posibleng publisher. Kung kailangan mo ng tulong, mangyaring magpadala ng mensahe sa isang empleyado ng Wattpad na maaaring makatulong sa pagpapaliwanag sa isang publisher kung bakit kailangang manatili ng iyong akda sa Wattpad. 
  3. Hanapin sa Internet ang kompanya at tingnan kung mayroong mga kaduda-dudang resulta.
  4. Bisitahin ang opisyal na site ng publishing house o literary agent. Karamihan ng mga propesyonal na literary agent at lahat ng publishing houses ay dapat mayroong website na maaaring bisitahin at tingnan ng mga manunulat.
  5. Tingnan kung ang agent/publishing house ay may kaugnayan o partnerships sa mga malalaking kompanya (hal. Amazon). Kung oo, tumawag o magpadala ng email sa mga partner at tanungin kung kumpyansa sila sa pagrerekomenda sa kompanya.
  6. Maging maingat sa mga literary agent na humihingi agad ng pera o nag-o-offer ng incentive gaya ng advanced royalties o nangangako ng iyong “pagyaman” kung ibibigay mo sa kanila ang iyong akda.
  7. Siguraduhin na lubos mong nauunawaan ang proseso ng agent at publishing house at ang kanilang mga tuntunin ng kasunduan. Kabilang dito ngunit hindi limitado ang copyrights, distribution rights, atpb. Kung kailangan, humingi ng legal na payo. Palaging basahin ang mga fine print para malaman kung alin sa iyong mga karapatan ang iyong pinakakawalan at napananatili. 
  8. Huwag matakot magtanong ng marami katanungan. Kung may kredibilidad ang kompanya at totoong interesado sa pakikipagtrabaho sa iyo, wala silang magiging problema sa direktang pagsagot sa iyong mga tanong.
  9. Kung ikaw ay nilapitan ng taong may hindi parehong pananaw ng gaya sa iyo o binibigyan ka ng hindi tamang offer, huwag hayaan ang sarili na mapwersang pumirma ng kahit na ano. Maraming publishers at agents ang ginagamit ang Wattpad para kumuha ng bagong talento. Huwag babaan ang iyong pamantayan para sa iyong sarili. 
  10. Huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin kung hindi ka sigurado sa kredibilidad ng isang publishing agent o house. Maaari naming kumpirmahin kung sila ay lehitimo at makipagtrabaho sa iyo (at sa iyong publisher o agent) sa pag-market ng iyong Wattpad stories sa iyong mga mambabasa.  
Nakakatulong ba ang artikulong ito?
138 sa 144 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.