Skip to Content

Pagbabalik ng kuwento sa draft

Kung aksidente mo mang nailathala ang isang parte ng iyong kuwento o ayaw mo lang itong makita ng iyong mga mambabasa, hindi mo kailangang humantong sa pagbura nito  - maaari mong i-unpublish ang parteng ito. Ang pag-unpublish ay magbabalik sa parte ng kuwento sa draft, at mananatili ang bilang ng iyong mga view, mga boto, at mga komento sa parteng iyon.

Ang maganda sa pagbabalik sa parte ng kuwento sa draf ayt mapananatili mo ito at hindi makikita ng iba; kung buburahin mo ang parte, hindi na ito maaaring ma-restore - habambuhay na itong wala. 

Sa iOS

Paisa-isang pagbabalik ng parte ng kuwento sa draft:

  1. I-tap ang Create button sa ibabang navigation bar
  2. Pumunta sa parte ng kuwento
  3. I-tap ang bilang ng parte sa itaas na menu bar (hal. Part 1)
  4. Piliin ang Unpublish
  5. Piliin ang Yes

 

Pag-unpublish ng lahat ng iyong nailathalang kuwento agad:

  1. I-tap ang Create button sa ibabang navigation bar
  2. Pumunta sa parte ng kuwento
  3. I-tap ang More button sa itaas na kanang bahagi
  4. Piliin ang Unpublish
  5. Muli, piliin ang Unpublish

 

Pag-unpublish ng lahat ng iyong nailathalang kuwento agad:

  1. I-tap ang Create button sa ibabang navigation bar
  2. Pumunta sa parte ng kuwento
  3. I-tap ang Settings sa tabi ng Table of Contents
  4. Piliin ang lahat ng parte na nais mong i-unpublish
  5. I-tap ang Unpublish sa ibabang menu bar
  6. Piliin ang Unpublish

Sa Android

Paisa-isang pagbabalik ng parte ng kuwento sa draft:

Sa Table of Contents Page:

  1. I-tap ang Create button sa ibabang navigation bar
  2. Pumunta sa kuwento
  3. I-tap ang Settings sa tabi ng Table of Contents
  4. I-tap ang Options button sa tabi ng parte ng kuwento
  5. Piliin ang Unpublish
  6. Piliin ang Yes 

 

Sa bahagi ng kuwento:

  1. I-tap ang Create button sa ibabang navigation bar
  2. Pumunta sa parte ng kuwento
  3. I-tap ang Options button sa itaas na kanang bahagi
  4. Piliin ang Unpublish
  5. Piliin ang Yes

Maraming bahagi agad:

Kasalukuyang walang feature para mag-unpublish agad ng maraming parte sa Android app.

Sa Web

Paisa-isang pagbabalik ng parte ng kuwento sa draft:

  1. I-click ang Sumulat sa itaas na navigation bar
  2. Pumunta sa Ang Aking mga Kuwento
  3. Pumunta sa iyong kuwento
  4. Pumunta sa parte ng kuwento
  5. I-click ang More button sa itaas na kanang bahagi
  6. Sa tabi ng Story status, i-click ang Published
  7. Piliin ang Draft
  8. Piliin ang Oo 

 

Ang buong kuwento agad:

  1. I-click ang Sumulat sa itaas na navigation bar
  2. Pumunta sa Ang Aking mga Kuwento
  3. Pumunta sa iyong kuwento
  4. I-click ang More button sa kuwento
  5. Piliin ang Unpublish
  6. Piliin ang Oo

Kasalukuyang walang paraan para mag-unpublish agad ng maraming parte ng kuwento sa web.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
134 sa 203 ang nagsabing nakakatulong ito

Mga Komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.