Sa Wattpad, ang mga manunulat ay nagpapahayag ng kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga kuwento at binibigyang kapangyarihan na i-rate ang kanilang mga akda alinsunod sa mga alituntuning ibinigay. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring tingnan ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman. Kung makakita ka ng kuwentong lumalabag sa Mga Alituntunin sa Nilalaman ng Wattpad, mangyaring i-report ito para sa pagsusuri.
Pagre-report ng isang kuwento
Kapag nagsusumite ng report, mangyaring maging tiyak hangga't maaari. Sabihin sa amin kung paano nilabag ng kuwento ang aming mga alituntunin sa nilalaman, kung saan matatagpuan ang paglabag, at anumang iba pang kapaki-pakinabang na impormasyon.
Sa web:
- Bisitahin ang description page para sa kuwentong nais mong i-report.
- Sa kanang bahagi ng pahina ay mayroong isang kahon ng impormasyon na naglalaman ng isang link na 'I-report ang kuwentong ito.'
- Pumili ng rason kung bakit mo inire-report ang kuwentong ito.
- Magbigay ng maraming impormasyon kung bakit ka nagre-report hangga't maaari.
- Pindutin ang 'Isumite'. Ang report ay makararating sa Wattpad Support team, kung saan ito susuriin.
Sa iOS app:
- Bisitahin ang info page ng kuwentong nais mong i-report.
- Pindutin ang flag icon sa itaas na kanang bahagi ng screen.
- Pumili ng rason kung bakit mo inire-report ang kuwentong ito. Magpatuloy sa pagbibigay ng higit pang mga detalye para sa report.
- Pindutin ang 'I-report' sa itaas na kanang bahagi. Ang report ay makararating sa Wattpad Support team, kung saan ito susuriin.
Sa Android app:
- Bisitahin ang info page ng kuwentong nais mong i-report.
- Pindutin ang '...' sa itaas na kanang bahagi ng screen at pindutin ang 'I-report.'
- Pumili ng rason kung bakit mo inire-report ang kuwentong ito. Magpatuloy sa pagbibigay ng higit pang mga detalye para sa report.
-
Pindutin ang 'I-report' sa itaas na kanang bahagi. Ang report ay makararating sa Wattpad Support team, kung saan ito susuriin.
Ano ang mangyayari kapag nag-report ako ng isang kuwento?
Ang lahat ng na-report na kuwento ay sinusuri bago ang naaangkop na pagkilos. Minsan, hihiling kami ng higit pang impormasyon para matiyak na gagawin namin ang tamang aksyon pagkatapos makumpirma ang paglabag. Kung ang isang kuwento ay lumalabag sa Mga Alituntunin sa Nilalaman o Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Wattpad, aalisin ito.
Mangyaring tandaan din na ang lahat ng mga report ay nananatiling anonymous.
Inalis ang aking kuwento para sa banned o restricted na nilalaman.
Ang mga kuwentong inalis para sa banned o restricted na nilalaman ay hindi maibabalik. Hindi inaalis ang mga kuwento maliban kung may kumpirmadong paglabag, anuman ang bilang ng mga report na isinumite. Bago mag-post ng anumang mga akda sa Wattpad, mangyaring suriin ang Mga Alituntunin sa Nilalaman upang matiyak na ang iyong akda ay angkop para sa komunidad.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.