Nakararanas ka ba ng problema sa paggamit ng Wattpad app? Mayroon bang hindi gumagana nang tama? Ang mga bug at pansamantalang mga glitch ay maaaring mangyari paminsan-minsan. Bago kami magsimulang mag-imbestiga, lagi naming inirerekomenda ang mga hakbang na ito sa pag-troubleshoot, sapagkat kadalasan, ang karamihan ng mga problemang ito ay dahil sa isyu sa cache. Mas madalas mong gamitin ang app, mas dumarami ang cache! Ang paglilinis ng cache ay maaaring makapag-ayos ng problema, at makapagbalik sa iyong normal na karanasan sa Wattpad.
Kung nakararanas ka ng ilang isyu sa app, mangyaring subukan lamang ang mga sumusunod na hakbang.
- I-toggle ang iyong koneksyon sa wi-fi/data. I-on ito at i-off, o ‘di kaya ay subukan na kumonekta sa panibagong wi-fi network.
- Subukang mag-log out at mag-log in sa iyong account. Siguraduhing naisara nang tuluyan ang app.
- Subukan ang pag-unistall at muling pag-install ng app.
Kung nakararanas ka pa rin ng problema, maaari mong tingnan ang aming Known Issues page para makita kung ito ay isang bug na aming inaayos na, o ang aming Status page kung kami ay kasalukuyang nakararanas ng outage. Maaari mo ring i-follow ang aming Status Twitter!
Kung nakararanas ka ng problema sa aming website (www.wattpad.com) tingnan ang aming artikulo tungkol sa Pag-troubleshoot sa mga isyu sa website.
Kung hindi pa rin ito makatutulong sa iyo sa isyung ito, mangyaring magsumite ng Support request sa amin. Maaari kang magsumite ng request sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Ayusin ang problema / Makipag-ugnayan sa amin’ sa kanan o sa ibaba ng artikulong ito.
Siguraduhin na ang email na iyong gagamitin sa pagsulat sa amin ay ang email na naka-link sa iyong account.
Mga Komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.